Chapter 17

618 13 11
                                    

Jairus's POV

"Makangiti ka ha? baliw ka na ba uchol? Bwahaha" sabay batok sa akin. Guess who sino pa ba si Henry yung walang hiya kong Utol haha pero joke mabait yan noh.

Masama na ba ngumiti ngayon? Eh sa masaya ako eh! Bakit? Una syempre alam na ni Shar yung totong feelings ko for her kaya hindi na ako mahihirapana magtago. Second si Nash mukhang tutulungan pa ako basta daw siya tulungan kay Alexa. Swerte ni Alexa! Yung crush niya since she was a child gusto narin siya at ngayon liligawan na siya. For sure naman hindi na mahihirapan si Nash. Alam ko naman na sasagot agad yang si Alexa, hindi na aarte yan Haha. So ito nga masaya ako ngayon. Worth it nga yung pagsuntok sa akin ni Nash eh. Masakit man pero ayos lang atleast ngayon nagkasundo na kami.

"Uchol! talaga bang ngingiti ka nalang dyan magdamag? Kahit ako hindi mo pinapansin" ang kulit talaga. Kaya bigla ko siyang sinuntok sa braso yung birong suntok lang naman.

"ARAAAAAAAAAAAAY! Grabe ka ha kung makasuntok ka!"

"Oh! akala ko ba may muscles ka? Ang hina hina ng suntok ko nasaktan ka na agad? yung totoo? Talaga bang muscle yan? Hahaha" tapos hinagis naman niya sa akin yung unan ARAY! Sapul ako sa mukha ha!

"Boys! Boys! Magkasakitan kayo ha" pagbawal ni mommy. Haay si mommy talaga hindi na nasanay sa amin mag pinsan. Since dumating naman dito yang si Henry wala kaming ginawa kundi mag harot. Pero im happy kasi nandito siya medyo gay pakinggan pero kasi nga wala naman akong kapatid kaya, parang siya narin yung tinuring kong kapatid.

"Oo nga pala I have a good news" tapos ngumiting nang parang nakakaloko si mommy. Ano kaya yun? Mukhang excited siya ha.

"Ano yun mommy? Babalik na ba ulit sina Henry sa canada?" pabiro kong sabi.

"Shhh. hindi, diba 1 week kayong walang pasok kasi yung mga teachers niyo may retreat?"

"Opo, bakit?" si mommy naman ayaw pang diretsuhin!

"We will be going for a vacation!" excited na sabi ni mommy.

Napatingin kami ni Henry sa isa't isa. Wait seriously? VACATION?!! YEHEY! Buti naman akala ko kasi 1 week akong magstay sa bahay, pero hindi syempre bibisitahin ko si Sharlene.

"Really mom??!! San naman?" natutuwa kong sabi.

"Oo nga tita whereee?"

"Enchanted Kingdom" wait what?! Enchanted kingdom lang?!! Akala ko naman mga boracay. Vacation kasi ang sabi ni mommy.

"Oh? bakit parang hindi naman kayo masaya? Aba'y kanina abo't ang ngiti niyo ha?" Eh sino ba naman kasing matutuwa? Ang ganda nung term na Vacation yun pala pupunta lang kami sa isang pinasusyal na perya. -.-

"Mommy akala ko naman parang outing tapos magstay tayo dun for a couple of days. Pero yun pala enchanted kingdom lang."

"Hindi pwede anak, kasi paano niyo masasama mga kaibigan niyo? Baka naman hindi sila payagan kung ganung kalayo at katagal" kasama yung kaibigan namin? Sina Nash, Alexa at Sharlene isasama namin sa Enchated Kingdom? Bumalik ulit yung dating pagkaexcite ng mukha ko.

"Ibig sabihin mommy pwede silang isama?!"

"Oo naman. Ano gusto mo tayo lang apat nina Henry at nung tita mo. I want you boys to have fun. At ganun din kami ng tita cheska mo" nakangiting sabi ni mommy. My mom is the best mom! Grabe hindi ko expect 'to!

"Tita thankyou for that! gusto ko nga ring malibot pa ang philippines. At alam niyo tita kung hindi niyo lang alam pinasaya niyo ng sobra si Jairus kasi makakasama namin si Sharlene"

"Sharlene? bakit naman ano meron kay Sharlene" Ay patay! Etong si Utol talaga kahit kelan! ibuking daw ba ako kay mommy.

"Ah eh wala mommy. One of our friends lang din. Inaasar lang ako ni Henry dun"

Childhood SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon