Chapter 11

702 10 8
                                    

Sharlene's POV

"Ma, saan ba kasi kayo puppunta ni tita? Bakit hindi mo nalang ako isama?" naiirita kong sabi. Aalis daw kasi sila kasama si tita yung mommy ni Nash, Hindi sinabi kung saan pero ang alam ko malayo kasi binilin na sa akin pati yung dinner ko. Ano ba yan! Maiiwan pa tuloy ako -_______-

"Anak, urgent kasi yun. Sa amin nalang dalawa yun ng tita mo, At wag na alam kong mapapagod ka lang. Kaya dito ka nalang sa bahay."

Napakamot ako ng ulo at may pa padyak padyak pa. Ayoko pa naman naiiwan sa bahay. Napaka boring NGA NGA lang all day -.-

"Si Nash ba hindi din kasama?"

"Hindi nga anak, kaming dalawa nga lang ng tita mo at si chloe kasi bata pa yun baka mahirapan mag alaga si Nash. kaya please behave ka dito. At sabi din ng tita mo sabay na daw kayo mag lunch ni Nash pupunta siya dito."

WHAT???!!! Anong pupunta hindi pwede ayoko!!

Iniiwasan ko nga siya sa school tapos dito sa bahay magkikita kami. Nako naman! Kung kelan namang nawawala na. Pero malay mo naman kapag nakita mo siya wala na diba? TAMA! Sa tingin ko naman wala na yung feelings ko for Nash.

"Osige na nga ma! Basta pasalubong ko ha" hindi ko na pinahalata sa mama ko na nagulat ako sa sinabi niya. No choice naman ako. Baka mahalata pa lalo ni mama na iniiwasan ko si Nash kapag hindi ako pumayag. Bahala na mamaya.

"Oo naman anak. Basta ingat ka dito naka on na yung alarm at text mo ako ha, I wanna be updated to you. Wag kang maglalakwatsa!"

Dami namang bilin..

Nag goodbye kiss na ako at pati narin kay tita. Haaay gusto ko talagang sumama. Malay mo magmall sila tapos makakita akong magandang damit. Sayang talaga!

Si Nash, pupunta dito mamaya. Bakit biglang bumilis heartbeat ko! Ay wala 'to! Okay Sharlene, U must act normal.

(Krinnnnnnnggggggggggggg)

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko. Si Jairus pala tumatawag. Sinagot ko agad.

*Goodmorning Sharlene! Kamusta ka? kumain ka na ba ng breakfast?*

*Oo kakatapos lang ikaw? Goodmorning din*

*Eto kumakain pa lang. I just wanna make sure na okay ka. May gagawin ka ba ngayon? Tara arcade tayo.*

Gusto ko yung idea ni Jairus ang kaso, sabi ni mama bawal. Kaya hindi pwede. Hindi naman ako suwail kaya bye bye arcade :(

*Uhmm ano Jairus sorry ha, hindi ako pwede uhmm kung gusto mo punta ka nalang dito sa bahay. Wala kasi sina mommy at yung mommy ni Nash umalis sila.*

May tiwala naman ako kay Jairus kaya okay lang sa akin na pumupunta siya sa bahay. At kahit si mama minsan nga kapag ganitong weekends  pagkauwi ni mama nadadatnan niya kami ni Jairus magkasama sa bahay pero wala lang. Alam naman kasi ni mama na hindi kamukha ng ibang lalake si Jairus may respeto siya. At kaibigan lang naman kami kaya walang problema.

*Pwe- ah ano mommy? ah osige sige*

*Ano Jairus?*

*Ah eh, si mommy nagpasama sa akin may bibilin daw siya. Nako mukhang hindi ako makakapunta pasensya na Sharlene ha,*

*Ah ganun ba, oo sige ano ka ba ayos lang. Sige kita kits nalang bukas*

*Sige, ingat ka dyan Sharlene ha.*

(Call ended)

Binalik ko na ulit yung cellphone ko sa bulsa ko.

'

*TOKTOK*

Bigla akong napatingin sa pinto. Si Nash na ata yun?

Yung heartbeat ko (TUGUDUGTUGUDUG)

Palakad lakad ako hindi ko alam kung bubuksan ko ba yung pinto oh hindi.

*TOKTOK*

Lumakad ako ng dahan  dahan, at unti unting hinawakan ung door knob. Bumunyag sa akin ang  isang namumutlang Nash.

Teka ano bang nangyare dito? Parang may sakit?

Bigla nalang siyang bumagsak sa akin. Buti nalang nasalo ko. Grabe ano bang nangyare dito?

Teka!

Ang init niya :O

Agad ko naman siyang inihiga sa sofa. Para siyang biglang nawalan ng malay. Nanginginig yung buong katawan ko. Kinakabahan ako. Di ko alam ang gagawin.

Kukuhanin ko na sana yung thermometer doon sa may kwarto ni mama ng...

"Shar, dito ka na muna sa tabi ko. Nilalamig ako" mahina niyang sabi.

Yung heartbeat ko sobrang lakas na ng tibok. Ano na ba gagawin ko papayag ba ko? Kaso natatakot ako na baka pag tumabi ako sa kanya bumalik nanaman ang lahat.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya at tumayo na. Pero pinagilan niya ako hinawakan niya yung braso ko. Ang init ng mga palad niya.

Wala na, Sabi ko na nga ba babalik nanaman ang lahat! Akala ko wala na. Pero nung hinawakan niya yung kamay ko bumalik nanaman ang lahat. Biglang may tumulong luha sa mga mata ko.

Wala na akong magagawa kundi sundin yung sinabi niya. Mukhang kaylangan niya ako ngayon. At sa tingin ko kaylangan ko rin siya. Aaminin ko sobrang namiss ko siya! Ang lalakeng kababata ko na mahal ko.

Umupo na ako sa tabi niya. At bigla nalang niya akong niyakap.

Sa mga oras na yun. Malungkot ako na masaya. Malungkot kasi alam kong hanggang dito nalang naman kami. Alam ko naman na hindi pwedeng umabot pa sa alam niyo na. Pero masaya ako kasi. After ilang  weeks nakasama ko na ulit siya, Dapat nung una hindi  ko na niloko yung sariili ko. Na nawala na talaga yung feelings ko. Siguro dahil hindi ko siya nakakasama pero, ang totoo hindi naman talaga nawala. Pinigil ko lang talaga.

Ilang minuto din siyang nakayakap sa akin. Pagkatapos nun kinuha ko na muna yung thermometer sa kwarto ni mama. Chineck ko yung temperature niya. 38.9 May lagnat parin siya. Kasi naman bakit ba kasi nagkasakit 'to? Hindi ba nalaman ni tita na may sakit si Nash?

Buti nalang yung niluto ni Mama may sabaw sakto lang. Pinakain ko narin siya at buti naman pumayag. Pagkaubos niya kinumutan ko siya para makatulog na.

Nakatitig ang ako sa kanya, ang gwapo parin talag niya.

AY ano ka ba Sharlene yan pa ba iniisip mo  may sakit na nga yung tao. Pero seryoso gwapo naman kasi talaga siya.

"Haaay Nashy, ngayon nalang ulit kitang natawag na Nashy kasi ewan ko ba. Haay kung alam mo lang kung gaano kitang uhhhhmm kamahal" at bigla kong natapik yung palad ko sa ulo ko. Bakit ko ba kasi nasabi yun! Paano kung narinig niya ano ba naman! Niyugyog ko yung ulo ko. Ano ba naman kasi yung iniisip ko. ERASE! ERASE!

Nakita ko na bumukas yung mata niya.

"Ano yung sabi mo?" mahinang niyang sabi.

:O

----------------------------------------------------------------------------------------

(Author's Note)

OMG! Narinig kaya ni Nash yung sinabi ni Sharlene? ABANGAN!

VOTE & COMMENT kung nagustuhan :D

Childhood SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon