Nash's POV
Ta-tama ba yung nakikita ko ngayon?
Si-si Jairus magtatapat kay Shar? Pero, ang sabi niya He doesnt like Shar. Eh ano 'to? Yung mga 'to? Kung lalabas man sila bakit sa ganitong lugar pa yung walang sasagabal sa ka nila?
Agad naman akong tumakbo at pinuntahan sila, Nasa may puno kasi sila ngayon at mukhang nag-uusap. Napansin ko naman yung mukha ni Jairus at alam kong hindi ako nagkakamali meron siyang aaminin kay Shar.
"Shar! Ja-jairus? ano 'to"
Agad naman silang napatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ayoko ng gagawin ni Jairus. Hindi naman dapat talaga ako magpapakita sa kanila. Pero, bigla nalang akong hinatak ng mga paa ko para puntahan sila at magpakita sa kanila.
"Nashy? bakit nandito ka?" nagtatakang tanong ni Shar. Pero paano ko nga ba sasabihin? Paano ko sabihin sa kanya na sinundan ko siya.
"Akala k-ko ba may sakit ka? pupuntahan sana kita sa bahay niyo pe-pero naabutan kita na paalis. Nac-curious ako kaya sinundan kita" pero totoo naman talaga, kaya ko siya sinundan dahil hindi ko alam kung saan siya pupunta tapos sabi pa niya sa akin may sakit siya.
"Na-nashy pa-paano ka nakapunta dito. Ano kasi,-"
"Oo nga Nash bakit ka ba nandito?" pagsingit ni Jairus.
Tinitigan ko siya ng masama. Naaasar ako sa mga taong mahilig sumingit. At tsaka isa pa. Sabi niya hindi niya gusto si Shar? Eh ano 'to?
"Jairus pwede mo ng ituloy ung gusto mong sabihin kay Shar" seryoso kong sabi. At mukhang namang nagulat si Jairus at napatingin sa akin.
At si Shar naman napatingin kay Jairus.
"Sha-shar yung sasabihin ko kasi sayo ano, i-i like you"
$HIT! I know I was right! Sabi na nga ba gusto niya si Shar. Hindi ko na napigilan si Jairus at lumapit ako sa kanya at bigla ko siyang nasuntok.
"Nashy? bakit mo siya sinuntok!!" tanong ni Shar.
Pero hindi ko siya sinagot, Hindi ko rin kasi alam kung bakit ko sinuntok si Jairus. Isa lang ang alam ko ayoko ng narinig ko. At isa pa sabi niya wala naman siyang gusto kay Shar tapos ganito ang mangyayare. Nakakaasar siya! Ayoko siya para kay Shar. Mamaya saktan pa niya si Shar hindi lang suntok aabutin niya.
***
Sharlene's POV
Hanggang ngayon hindi parin gumising si Jairus. Nasa ospital kami ngayon at kasama namin si Nashy.
Dahil sa pag suntok ni Nashy kay Jairus hindi ko na masyado naisip yung sinabi ni Jairus. Nagtataka ako bakit niya sainuntok si Jairus? Kanina ko pa tinatanong si Nashy kaso hindi niya lang ako pinapansin naiinis tuloy ako!
"Miss kayo po ba ang kasama ni Jairus?" tanong nung doctor. Agad naman akong lumapit at tumango na ako yung kasama ni Jairus. Okay naman daw si Jairus. Normal lang daw yung hindi parin paggising ni Jairus dahil daw yun sa lakas ng pagsuntok sa kanya. Si Nashy naman kasi eh!
Dumating na si Nashy may dalang food at drinks. Mukhang galing 7/11
Binigay niya sa akin yung hotdog sandwhich at mogu-mogu. Kinuha ko naman agad yun. Halata naman sa mukha niya na ayun poker face parin.
"Nashy, can we talk. Yung sasagot ka naman"
ilang segundo rin bago siya humarap sa akin at umupo doon sa may upuan.
"Actually, hindi ko rin alam Shar kung bakit. Pero kasi nag-usap na kami tinanong ko kung gusto ka niya pero sabi niya hindi tapos nagulat ako sa nakita ko kaya ayun hindi ko na napigilan."
Kaya naman pala. Thank God ayos naman si Jairus kundi patay ako sa parents ni Jairus at pati si Nashy lagot din for sure.
Bigla akong hinawakan ni Nashy sa kamay. Napatingin ako sa kanya na para bang sinasabing bakit?
"Shar, tanong ko lang. May pag-asa ba na magustuhan mo si Jairus? Ngayong nalaman mo na gusto ka ni Jairus?"
Meron nga ba? Pero paano ko malalaman kung si Nashy parin talaga ang gusto. Haaay... Ano nga ba ang dapat kong isagot?
"Hi-hindi ko alam. Nashy ano ba namang tanong yan?" at agad ko narin tinanggal yung kamay ko na hawak niya. Wag kang ganyan Nashy mamaya magustuhan ko masyado yung paghawak mo sa akin.
"Pero alam mo. Kung magustuhan mmo man siya, hindi na ako magtataka. Mabait naman kasi talaga si Jairus ang kaso nagsinunggaling siya sa akin kaya nagalit ako. Kamusta na nga daw pala siya?"
Akala ko naman kaya ka nagalit kasi baka gusto mo rin ako kaya nagselos ka.. AYY ano nanaman ba yang iniisip mo Shar. stop it!
Ito talagang kababata ko, mabait naman talaga yan. Wag mo lang gagalitin kasi hindi mo magugustuhan yung bad side niya.
"Okay na daw siya. Normal lang daw yung pagkatulog niya ikaw naman kasi ang lakas mo sumuntok! Oy mag sorry ka sa kanya ha!"
"Hah! ako pa laki ata ng muscle ko haha.. Oo na alam ko kasalanan ko na pero may kasalanan din siya sinunggaling siya de jk lang"
Napatingin ako sa room kung saan nagpapahingan si Jairus. At napansin ko na unti unti niyang minumulat yung mata niya kinalabit ko si Nashy at pumunta na kami sa room.
"Jairus. ano okay ka na ba? Buti naman at gising kana" nakangiti kong sabi.
"Sh-shar? a-asan ako? A-aray yung pisngi k-ko ang sa-sakit" at umupo siya at napahawak sa pisngi niya kung saan siya sinuntok ni Nashy.
"Ah ano kasi, di ba nga sinuntok ka ni Nashy tapos ano--" di man lang ako pinatapos -.-
"Bro, sinuntok kasi kita kanina. And im very sorry nabigla lang ako ikaw kasi hindi mo naman sa akin sinabi"
Ayun eh. ang bait nagsorry agad-agad. That's Nashy kaya mahal na mahal kita ay! Yan ka nanaman Shar.
"O-okay lang yun bro. So-sorry din kung nagsinungaling ako. Shar. Yung sinabi ko kanina don't worry hindi naman kita pinipilit na-na gustuhin m-mo rin ako, u-umamin lang talaga a-ako kasi gu-gusto ko lang maging aware ka. A-ayoko kasing magtago"
Napangiti nalang ako sa mga sinabi niya. Talaga palang gusto ako ni Jairus. Haay bakit kaya si Nashy hindi ako magustuhan? Haay wag mo na muna nga isipin yan Shar. Nakita ko naman si Nashy nalumapit at parang may binulong kay Jairus.
"Bro don't worry. Tutulungan kita kay Shar"
"Ta-talaga? sige Bro haha."
TEKA! Na oout of place ako dito ha! Ano ba yung pinaguusapan nila?
"HOY! Ano yang pinaguusapan niyo? Isali niyo naman ako." sabi ko.
"Pwede ba Shar! kung kayo may girl talk kami rin namang mga lalake may boy talk kaya sa amin lang yun" natatawang sabi ni Nashy at si Jairus naman tinapik si Nashy at ngumiti sa akin.
HMP! Boy talk pang nalalaman... Pero ano kaya yung pinag-usapan nila? Nacurious ako!
----------------------------------------------------------------------------------------------------
(Author's Note)
Sa mga readers SORRY! Ngayon lang nakapag update! Naging busy kasi eh tapos exam week pa. Eto muna sa ngayon. Mamaya gagawin ko yung chapter 17. Sana magustuhan niyo parin. VOTE & COMMENT kung nagustuhan.
