Chapter 6

791 5 7
                                    

Alexa's POV

I'm finally OKAY! Wala na akong sakit, Thanks to my dearest Nash! Inalagaan niya ako. Nagpapasalamat nga ako at nag kasakit ako kasi kung hindi dahil doon, hindi niya ako maaalagaan hihi. Ang sarap sa feeling na yung crush, mahal at dream boy mo inalagaan ka. Hindi pumasok para maasikaso ka. Kinikilig ako kapag naiisip ko yun :"> Siguro gusto narin niya ako. Haha kasi nag-iba treatment niya sa akin simula noong nag kasama kami sa mall noong isang araw tapos binigyan ko pa siya ng goodbye kiss at parang ginusto naman niya yon.

Totoo parin pala na pwedeng mag ka gusto sayo yung gusto mo :">

Kinikilig talaga ako! Pero, mamaya na yan. Makapasok na at baka malate pa ako. At gusto ko na ulit makita si Nash ko :)

----------

Nasa school na ako ngayon, medyo maaga akong pumasok. Excited syempre!

"Alexa!!!"

Napangiti naman akong nung narinig ko ang sobrang familiar na boses na tumawag sa akin. Si Nash :">

Nakita ko na papalapit siya sa akin. Slowmo pa nga eh. I mean sa isip ko Slowmo siyang tumatakbo. Ang gwapo niya talaga. Agad naman niya akong hinawakan sa dalawang braso ko.

"Oh! buti naman nakapasok ka na! Kamusta ka na? Effective ba yung pag-aalaga ko sayo?" masaya niyang sabi. Parang ang saya niya nung nakita niya ako. Pero MAS masaya ako nung nakita ko siya.

"Oo naman! Sobrang Thankyou talaga Nash! Kung hindi dahil sayo baka nasa bahay parin ako ngayon may sakit parin. Thankyou talaga" at binigyan ko siya ng hug. Naramdaman ko naman na yumakap narin siya sa akin. Mga ilang segundo din bago siya magrespond sa yakap ko mukhang nagulat sa pagyakap ko.

Dahil medyo pinagtitinginan na kami ng mga tao. Tinigil na namin yung kilig moments. At sabi ni Nash sabay na daw kami umakyat papunta sa room namin.

Ibang Nash talaga ang nakikita ko ngayon. Ang layo niya sa dati. Dati, friends lang kami kapag magkatabi sa upuan ngayon, mukhang magiging MORE than friends pa! :">

Pero, may pinagtataka ako. Mukhang hindi ata sila sabay ni Sharlene? Halos palagi kaya silang sabay. Naku.. Hayaan mo na Alexa. Mas maige nga yun diba. Solo mo si Nash :)

Pumasok na kami sa room ni Nash. Napatingin ako sa kaliwa't kanan ko. Ayun! Nakita ko si Jairus at Sharlene magkatabi at magkausap pa. Aww ang cute nilang tignan. Ang galing talaga dumiskarte ni Jairus. Effective lahat ng plinano ko. Kung si Jairus may Sharlene ako may Nash.

"Bro! Alexa! welcome back sainyo! Anong meron, sabay ata kayo?" pagsalubong ni Jairus.

Nakita ko naman sa mukha ni Sharlene na parang napayuko nalang. Mahiyain mode ang peg?

"Oo nga bro, mahabang kwento. Mamaya ko ikwekwento lahat!" masayang sabi naman ni Nash.

Habang nagkwekwentuhan si Jairus at Nash. Nilapitan ko naman si Sharlene at umupo sa tabi niya. Napatingin naman siya at agad ngumiti.

"Hi Sharlene! hindi mo ba ako namiss?" sabi ko. At nag pouty lips pa ako. Pacute effect.

"Na-namiss syempre! Kamusta naman ang pakiramdam mo? buti naman at okay kana" sabi niya. May napapansin talaga akong kakaiba sa mukha ni Sharlene ngayon. Hindi ko alam kung malungkot ba o sobrang lungkot basta mukhang may pinagdadaanan.

------

Nash's POV

Kakatapos lang ng First subject namin na Math. Grabe no? First subject Math agad -.- Hanggang ngayon napaka tahimik parin ni Shar. Tinatanong ko pa nga kung bakit niya binaba yung phone kagabi ang sabi niya nawalan daw ng signal tapos nalowbat yung phone niya.

Pero parang ayokong maniwala kasi, hindi naman kasi hinahayaan ni Shar na malowbat yung phone niya. Kapag nasa 20% percent nga chinacharge na niya agad. Ayaw na ayaw niya kasing nalolowbat. Eh bakit ngayon? Ano ba yan. Hindi talaga ako sanay sa Shar na nakikita ko ngayon. Wala naman syang nababanggit na problema. Kasi kung meron sinabi na niya sa akin.

Nakakapagtaka nga halos si Jairus lang yung pinapansin niya. Eh nasa likod pa si Jairus ako halos kadikit na talaga hindi niya ako mapansin.

"SHAR! napaghahalata na kita ha, bakit hindi mo ko pinapansin?" sabi ko. Pero sa halip na sagutin niya ako bigla siyang tumayo at nagpaalam sa teacher namin para mag c.r

Bigla ko nalang tinabig yung librong nasa lamesa ko. Nakakainis naman kasi. Para akong tanga dito hindi man lang ako pinapansin ni Shar. Hindi ko nga alam kung ano nagawa ko.

Kinalabit naman ako ni Jairus.

"Bro, may problema ba?" tanong niya.

"Kasi naman si Shar, hindi niya ko pinapansin. Hindi ko naman alam kung ano dahilan." sabi ko.

"sigurado ka bang hindi mo alam? baka naman may pagkukulang ka bilang bestfriend niya noong nakaraang araw" sabi ni Jairsu

Bigla nalang nagpaulit ulit sa isip ko yung sinabi ni Jairus. Meron nga ba? Bakit hindi ko man lang alam! >.<

Mag-isip ka Nash!!

Baka naman dahil hindi ko siya natetext noong isang araw?

TAMA!

Ang tanga mo talaga Nash! Hindi ko na nga pala siya naitetext at tsaka hindi ko rin siya sinusundo sa bahay nila para magsabay kami pumasok!

SH*T LANG!

Kaya naman pala! Nagtatampo sakin si Shar. Aaminin ko nakalimutan ko na kasi siya. Simula nakakausap ko na si Alexa. Ang sama kong kaibigan nakakinis!!!

-------

Sharlene's POV

Nandito ako sa c.r ngayon. Nabwiset kasi ako doon sa katabi ko. Kunino pa ba? Edi kay Nash! Ang lakas ng loob na kausapin ako. So ganun lang yun? Hindi man lang ba niya nahalata na may pagkukulang na siya bilang kaibigan.

Bigla nalang may tumulong luha sa righ cheek ko. Pinahidan ko naman agad yun. Baka kasi may pumasok akala mukhang akong baliw umiiyak. Pero siguro nga baliw na talaga ako! Gusto kong lumayo kay Nash. Parang ayoko na muna siya kasama. Kahit masakit man pero yun ang gusto kong gawin.

Kung kapag nakakasama ko nga siya pero palagi nalang akong nasasaktan mas gugustuhin ko pang lumayo.

Tutal hindi narin naman siya yung Nash na kababata ko dati. Siguro nga lahat nagbabago. At baka nagsawa narin siya at ayaw na niya nung turingan namin dati.

Siguro nga it's time na masanay na ako na hindi na ulit magiging katulad ng dati. Mas okay na sigurong si Jairus nalang ang kasama ko. Atleast si Jairus palaging nandyan. Oo mahal ko si Nashu pero dahil naman sa pagmamahal ko sa bestfriend ko unti unti naman siyang inilalayo sa akin.

Simula ngayon susubukan ko ng lumayo. Ayoko nang madagdagan pa lalo yung pag tingin ko sa kanya.

At halata naman na gusto narin niya si Alexa. Kahit hindi niya sinasabi sakin nahahalata ko yun.

 -------------

(sorry medyo maikle)

Childhood SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon