“Please, Gio, pag-usapan natin naman to oh.” Sabay hawak ko sa mga kamay niya. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha ko sa mga mata ko. Halos nanlalabo na nga ang paningin ko. Pero, kahit sa ganoong sitwasyon, isa lang ang malinaw, seryoso siyang iwan ako.
“Toni, wag na nating pahirapan ang isa’t-isa. It’s not working between us. Kaya pwede bang tanggapin na lang natin yung katotohanan na yun?” sagot niya sakin sabay bitaw niya sa pagkakahawak ko. Tatalikod na siya para umalis pero pinigilan ko siya. Ayoko, ayoko humakbang siya kahit isang hakbang palayo, dahil kapag ginawa niya yun, alam kong yun na ang katapusan ng lahat.
“Pa-paanong it’s not working between us? May mali ba sakin? May mali ba akong nagawa? May gusto ka bang baguhin sakin? Ano? Sabihin mo, gagawin ko lahat para sayo. Just, please, don’t leave me. I’ll do everything. Iloveyou so much.” Tuloy-tuloy kong litanya sa kanya kasabay ng pag-iyak ko. Hindi ko na alam ang gagawin pa. Naguguluhan ako. Ayoko siyang mawala.
“Please, Toni, just let me go. . .”
“Let you go? How can I do that? Six years Gio, six years umikot sayo ang buhay ko. Six years and you’ll just tell me now to let you go? Is that really easy for you to say?” imbes na sumagot, nanatili siyang nakayuko at nakatingin sa lupa. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Hindi ko alam kung saan siya nanggagaling. Hindi ko alam kung bakit kame napunta sa ganitong sitwasyon, basta ang alam ko, isang araw, ayaw na niya.
“Gio, look at me. . .” sabay pag-angat ko sa mukha niya. “Look at me in my eyes and answer me, do you still love me?” nakatitig lang siya saken. Nakatitig lang siya sa mga mata ko na tuloy-tuloy ang agos ng luha. Malungkot ang mga mata niya pero hindi ko alam kung dahil sa maghihiwalay kame o dahil sa ayoko siyang pakawalan. Sandali siyang yumuko sa lupa at pagkatapos ay muli siyang tumitig saken. . .
“Toni, sorry. . .