Chapter 8a

255 2 0
                                    

Note: GUYS COMMENTS PLEASE. :) KAHIT VOTE. :) PHULEASEE! :)

==============================================================================

            Ano ba yung ingay na yun?  Wala akong pasok ngayon ah? Bakit ba ang gulo-gulo sa labas? Arghhh! Please tumahimik kayo! Wala pa kong tulog na maayos. Ingay! Lubayan niyo ko!

            Tinakip ko yung unan ko sa tenga ko pero rinig na rinig ko pa din yung ingay sa labas ng kwarto ko. Alam kong kapag ganitong araw, araw ng general cleaning sa bahay pero ngayon lang naging ganito kaingay ang general cleaning. May mga pinapapunta akong mga maglilinis ng bahay. Hindi sila stay in kasi tuwing ganitong araw ko lang sila kailangan. The rest of the days, I can manage on my own.

            ARGHHHH!!! Bakit ba ang ingay nila sa labas? Tsaka bakit parang iba yung mga boses na naririnig ko? Pamilyar pero hindi yung pamilyar na taga-linis ng bahay.

            Ay ewan! Wala akong pake. Tumigil lang sila.

            Para yatang nabasa ng mga yun yung utak ko at biglang tumahimik sa labas. Hay salamat. Peace of mind.

            Wala pa yatang 1 minutong lumipas biglang. . .

            “GOOOOOOOOD MOOOORNING!!!” isang malakas na sigaw ang narinig ko kasabay ng pagbukas ng pinto ko.

            Bigla akong napabalikwas ng upo sa kama at ewan ko ba kung anong sumapi sakin at sumigaw ako.

“AHHHHH!!! Sunog! Sunog! Sunog! Saklolo Sunog!”

“Asan ang sunog? SUNOG! SUNOG!” tanong sakin ng tao sa pintuan ko at sumabay din sakin sumigaw.

Dun ko na lang na-realize kung sino ang pang-bwisit ng umaga ko.

“ERWIN?! ANONG GINAGAWA MO DITO?” pagalit kong tanong sa lalaki sa pintuan ko.

“Asan muna yung sunog?” pang-aasar pa nito.

“Bwisit ka talaga!” sabay bato ko sa unan ko sa kanya  “ . . .susunugin kita ng buhay! Siraulo ka talaga!”

“Tsk! Tsk! Tsk! Aga-aga, sungit-sungit. Nakakatanda yan.” Bigla sabat ng isa pang lalaki na sumilip din sa kwarto ko.

“JEFF? A-ANONG MERON? BAKIT KAYO NANDITO? ANDIYAN DIN SI JAY AT CRIS NOH?!” on top of lungs na yung boses ko. Feeling ko rinig na kabilang subdivision yung sigaw ko. Paano ba naman, umagang-umaga, mga siraulong mga lalaki makikita mo.

“PRESENT!” sabay na sigaw ni Jay at Jeff kasunod ang tawanan nila apat.

ARGGHHH!!! The noise!!! Ayoko ng ingay! Ayoko ng tawanan! Ayoko ko silang marinig! ARGHHH!!

“MAGSILAYAS NGA KAYO DITO! TATAWAG AKO NG SECURITY! PAANO NIYO NALAMAN YUNG LUGAR KO?” aba’t parang mga walang nadidinig at tuloy ang tawanan nila.

Naiinis na talaga ako sa mga to. Acceptable pa yung ganito attitude nung high school pa kame. Pupunta sila sa bahay. Bubwisitin ako sa umaga tapos makikikain tapos sabay lakwatsya kame. Pero ngayon, please! Orangutan na tong mga to eh.

Magsasalita pa sana ako ng biglang may humawi sa kanila apat palabas ng kwarto ko. At syempre sino pa ba? Ang kukumpleto ng bwisit kong umaga.

“Good morning. . .mahal.” Bati nito saken. Ay boset! An gaga-aga naman Gio. Huwag mo munang pabilisin ang tibok ng puso ko. Darating ang araw mamatay na lang ako dahil Cardiac Arrest eh.

            “MAHAL? ANG KAPAL NG MUKHA NITONG HAYUP NA TO! LAYAS!” pasigaw kong saad dito. Kinikilig man ako ng onte, onte lang, sa sinabi niya. Kailangan hindi ipahalata. Feelingero pa naman yan.

REUNIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon