Bakit ganun? Parang gusto kong magtago sa likod ni Xavier. Parang gusto kong maging invisible bigla. Hindi dahil sa ayoko siyang makita ah. Pero feeling ko. . .nahihiya ako. ARGh! Bakit ako nahihiya?
Ay potek! Bakit kasi andito yan?
Ayan na! Papalapit na siya saken,with his hands in his pocket. Grabe, hindi ako makagalaw, nakatitig lang ako. Mababaliw na ata ako.
“Hi!” bati niya. Tumingin siya sandali kay Xavier tapos tumitig na sakin. ARGH! Galit mode on!
“A-anong ginagawa mo dito? Sino nagsabing pumunta ka dito? Nananadya ka ba?” wow! Talk about lakas ng loob. Imbes na sagutin ba naman ako eh ngumisi lang ang loko. Aba’t! Huwag kang gumanyan sakin, baka hindi kita matancha, makipagbalikan ako sayo. AY BADTRIP! Ano ba tong iniisip ko.
“Antonette, who is he?” ay oo nga pala. Andito si Xavier. Grabe naman kasi tong si Gio eh. Distraction! Sasagot pa lang sana ako nung biglang nagsalita si Gio.
“Hi I’m Gio! Toni’s ex and soon to be. . .future.” saad nito sabay lahad nito sa kamay. Nakita ko namang nanglaki yung mata ni Xavier sa gulat. Hindi niya pa kasi nakikita si Gio ever kahit sa picture.
Hindi niya tinanggap yung kamay ni Gio at napatingin siya saken. Hindi na ko makasagot kasi napayuko na ko eh. Ewan ko ba. Parang bang caught-in-the act ako.
Nagulat na lang ako ng biglang nagsalita si Xavier. Inabot niya ang kamay ni Gio at kita mo ang higpit ng pagkaka-shake hands niya dito.
“Now I met the infamous Gio. I’m Xavier, Antonette’s. . .present.” sagot nito.
WOW lang ah! Anong present? Past? Future? Past participle? Past present future perfect na pinagsasabi ng mga to?! Excuse me lang naman sa mga to ah. Andito lang ako at ang lakas ng loob nilang idikta kung sino sila sa buhay ko.
Aba’t makasabat nga. Pero, bago pa ko umapela sa barangay, sumagot ulit si Gio.
“Present? Ahhhh. . .present MANLILIGAW. Because last time I check, wala pang boyfriend ang MAHAL ko.” Sagot niya sabay smirk.
Si Xavier naman, makikita mong nanggigil na kay Gio. Oh my goodness!!! Daig ko na talaga ang nagpa-salon sa haba ng hair ko.
“MAHAL? Don’t say such word if you do not know the meaning. Yah, manliligaw ako ni Antonette. So do you, right?” ganting banat naman ni Xavier.
Abaaa. . .eh may punto nga naman si Xavier. Oh, ano Gio? Anong isasagot mo? Grabe, na-eexcite ako na kinakabahan na parang napoo-poo-poo.
“I KNOW. Kaya nga ako bumalik eh. Don’t waste your energy, she will never be yours.”
At talagang pahigpit na ng pahigpit yung hawak nila sa mga kamay nila. Yung tipong yung mga ugat sa mga braso nila ay visible na. GOODNESS!!! Kelangan ko na talagang umepal.
Sa di malamang dahilan, ang malupit kong naisip na paraan para tumigil silang dalawa ay. . .
“ARAY!”
“OUCH!”
“Toni! Ang dahas mo talaga! Sakit ng noo ko” daing ni Gio habang hinihimas ang ulo niya.
“Antonette, you know this is bad right?” saad naman ni Xavier habang kinakapa ang noo niya. Maybe he’s checking yung neurons niya. TSS! Doctors! Ay, doktor nga din pala ako.
“Kayong dalawa! Kung gusto niyo ng basag ulo, ayan! Ganyan dapat ang gawin niyo. Literal na basag ulo! Pag-untugin niyo mga ulo niyo. Unang mamatay, talo. Mas madali diba?” mataray kong saad sa mga ito habang hinihimas pa rin nila ang mga ulo nila.
Akala nila tapos na ko. HINDI PA NOH?!
“At isa pa, hindi ako pabitin sa isang children’s party na pag-aagawan niyo dalawa. Past, present, future pa kayong nalalaman ha. Sarap niyong ipakain sa mga dinosaurs!” gigil na gigil na saad ko sa kanila.
At this point, lahat na halos ng atensyon nasa amen. First, kasi kasama ko si Xavier kaya lahat ng doktor at nurses na dumadaan, napapatingin sa kanya. Second, kasama ko si Gio na isang international star na buti na lang eh nakatalikod sa daanan. And third, ang lakas ng boses ko.
“Toni, walang ng dinosaurs ngayon. Remember?” pang-aasar pa nitong si Gio. Isa na lang talaga ang bibingo na saken tong siraulong to eh!”
“GIO! Tigilan mo nga ako sa tanga-tanagahan mo ah!”
“Just saying. . .” sagot pa nito na parang batang nagtampo dahil napagalitan.
Hay!!! Kapagod magpalaki ng dalawang pogi!
“Antonette, I think we better go.” Biglang saad ni Xavier. Naramdaman kong bigla niya kong hinawakan sa bewang para alalayan paalis ng kinatatayuan namen. Nakita kong napansin iyon ni Gio pero wala na kong oras pa para makita ang reaction niya kasi hinugot na ko ni Xavier palayo.
Hindi pa man kame nakakatatlong hakbang eh bigla na namang nagsalita si Gio.
“Hindi ka pwedeng umalis.” saad niya na parang cool na cool lang boses.
“At bakit naman?! Aber?!” siraulo talaga tong taong to oh. Pinipigilan lang yung alis namen ni Xavier eh. UYYY. . .jelling-jelling! Is he? ANO BA YAN?! Pake ko ba sa nararamdaman ng salbaheng to.
“Hindi ka pwedeng umalis kasi may lakad ka today.” Sabay pakita niya saken ng planner ko.
Alam kong nasa kanya pa rin ang planner ko. Pero wala na kong interes pang habulin yun. Bahala na. Pero nung sinabi niyang may lakad ako ngayon. Napa-isip tuloy ako. Ano bang date ngayon?
“Antonette, we better go. Don’t mind him. He’s just using tricks to get you.” Pero para wala akong nadinig sa sinabi ni Xavier. Is Gio using tricks to get me. If he is. . .let’s see how far he will go.
“HAY naku Toni! Ulyanin mo talaga! You have to pick up your cousin at the airport!”
Cousin? OHMY! Si Ate Jessie!
Anong oras na ba? My gash bakit kasi hindi ko pa kinuha kay Gio yung planner eh!
“It says here that you’ll meet up at 3pm. It’s already quarter to 3. So, what’s your plan?”
============================================================
Note: Goodmorning readers. . .well morning ngayon kung binabasa niyo to ng gabi na, just pretend its still morning. :) hehehe. :)
Kaway! Kaway! :D