Note: This is for my first ever comment! kathreena_21, you already! Yung talon ko hanggang bubong sa saobrang saya! THANK YOU!!! :)
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-
Xavier's POV. . .
Ang sakit makita na yung mahal mo eh umiiyak. Pero mas masakit kapag alam mong ang mga luhang yun eh dahil sa ibang lalaki.
Mahal ko si Antonette. Kaya nga ganun na lang ang alala ko nung makita ko siya kanina eh.
Sana meron na lang akong time machine para makabalik ako sa araw na sinagot ni Antonette si Gio. Para napigilan kong maging sila.
Pero siyempre lahat ng yun eh sana na lang. Hindi ko magagawa yun. Ang tanging magagawa ko na lang ang protektahan siya sa kasalukuyan at patunayan sa kanya na mas higit ako kaysa sa hayup na Gio na yun.
Hindi ko pa nakikita sa personal si Gio, pero sigurado akong mas pogi ako dun. Hindi ko din alam kung anong klaseng trabaho ang meron siya, pero ang masasabi ko lang, di hamak na mas mayaman ako.
Alam kong lahat ng yun walang kwenta kay Antonette, pero meron akong kayang gawin na hindi kayang gawin ni Gio.
Ang mahalin ng buong-buo si Antonette at ang hindi siya iwan.
Humanda ka Gio. Hindi na ko papayag na paiyakin mo lang lagi si Antonette. Lalaban na ko. Ipaglalaban ko na siya!