GIO's POV

251 1 0
                                    

GIO's POV

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon eh. Para akong nababaliw sa kilig eh. Napunasan ko ang luha niya. Napatahan ko siya. Nayakap ko siya. At alam ko sa sarili ko na natatawa din siya pinipigilan niya lang.

            Grabe! Ang saya ko! Nakita ko siya ulit! Dito pa sa bahay namen! Matagal ko na siyang gustong puntahan pero ayaw sabihin sa kin ni Fred ang ospital at apartment ni Toni. At ang tropa naman walang silbi dahil hindi rin daw nila alam. I need to work on my own. Grabe naman kasi yan si Toni magtago eh. Pati sa internet hindi siya makita.

            Napakamot na lang ako sa ulo sa frustration. Gusto ko siya makita ulit. Wala pa yata siyang 5-minutes nawala miss ko na agad siya. I need to get her back. But. . .how?

            Aalis na sana ako ng biglang may nasipa ako sa may carpet. Yumuko ako pa kunin iyon.

            Notebook? Kanino to? Kay mommy?

            Sinumulan kong buksan at tumambad sakin ang picture ni Toni na ngiting-ngiti habang hawak ang cotton candy na kulay pink. Para siyang bata na ang saya-saya at inosenteng-inosente.

            Sinumulan kong buksan ang notebook. Planner niya pala ito. May address ng bahay niya at ng ospital kung saan siya nagtra-trabaho. Andito rin ang buong schedule niya sa buong buwan. Hindi pa rin siya nagbabago. She’s very organize na parang O.C na.

            “Gio? What are you doing here? Where’s Toni?” sunod-sunod na tanong sakin ni Mommy. Wala na kong oras para sagutin pa ang mga tanong niya. I need to move.

            “Mom, I’ll see you later, okay? I’ll call you. I need to go.” Mabilis pa sa alas-kwatro ng makalabas ako sa bahay namen dire-diretso sa kotse ko. Narinig ko pang tinawag ako ulit ni mommy pero hindi ko na siyan nilingon.

            I need to go. I need to get her back. And I will  get her back.

REUNIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon