Note: Hindi ko alam kung paano ko naiisip tong update na to. :) hahaha. :) Onte na lang. . .matatapos na to. :((((
i will writing a new one pero di ko muna ipo-post. :)
One at a time. :)
Kaway! Kaway!
==============================================================================
Halos ilang linggo pagtapos nung huling pag-uusap namen ni Xavier hindi ko pa din siya nakikita. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi na nagri-ring yung phone niya. Last time I check sa secretary niya, nag-idefinite leave daw muna si Xavier.
Wala naman daw sinabing dahilan o wala din sinabi kung saan pupunta. Basta isang araw daw di na lang pumasok.
Masakit syempre sakin yun kasi alam ko naman na ako yung dahilan kung bakit nagkaganito si Xavier.
Bigla na lang siyang hindi nagpakita. Nawala ng parang bula.
But maybe, this is for the best.
“Mahal, ahon! Lalim ng iniisip mo ah! Baka malunod ka naman.” sita sakin ni Gio.
Magkasama kasi kame ngayon dito sa Pangasinan. I need to check yung venue to make sure okay na lahat. Ilang linggo na lang, magsisimula na yung event.
“Hindi. . .iniisip ko lang kasi si Xavier. Asan kaya yung mokong na yun? Pupunta kaya siya?”
Nakwento ko na kasi kay Gio ang nangyari, though hindi ko dinetalye.
Ayoko naman yurakan ang pagkalalaki ni Xavier.
“Hayaan mo muna siya mag-isip. Kapag handa na siya, magpapakita naman yun eh.” Saad nito sakin sabay himas ng likod.
Sabagay.
“Toni. . .”
“uhmm. . .”
“I love you.” Bulong niya sakin.
Bigla namang akong napatingin sa kanya. Lagi na naman niyang sinasabi sakin to, pero nakakatuwa pa din sa pakiramdam. Yun bang, iba pa rin kapag naririnig mo.
“I love you more. . .”sagot ko sa kanya.
Nang matapos kame ay agad na din kameng umuwi ni Gio. Hahabol pa kasi siya sa filming nila. Ako naman hinatid niya na ko sa bahay kasi pagod na pagod na ko at wala na kong lakas pang dumaan sa ospital.
May isang oras ng nakaka-aalis si Gio. Nang biglang may kumatok sa pinto ko. I was not expecting anyone.
Kung makakatok naman tong taong to, akala mo wawasakin ang pinto ko.
“Wait lang! Anjan na!”
Pagbukas ko ng pinto, the least person I’m expecting is standing in front of me.
“Bianca?! What are you doing here?”
“Don’t worry, I’m not here to visit you. Asan si Xavier?” mataray na tanong nito saken na nakapamewang pa.
“I don’t know. . .hindi ko rin siya nakaka-usap pa. . .” I saw how exasperated na may hinanap siya sa bag niya.
“. . .May poblema ba?”