Chapter 3b

299 3 0
                                    

Nagsimula na ang party, pero wala pa din siya. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko. Masaya dahil hindi ko siya makikita at hindi ako mahihirapan ng husto. Malungkot dahil hindi ko  malalaman ang sagot sa mga tanong ko.

            Ilang sandali pa ay tinawag na ang pangalan ko para magsalita sa stage. Tumapat naman agad sakin ang spot-light na halos mabulag ako sa liwanag. Ang mga lalaki kong katabi ay parang mga siraulong ang lakas pumalakpak at naghihiyawan pa. Daig ko pa ang artista at silang apat ang fans ko.

            Nang-makarating ako sa stage ay nakita ko si Fred sa backstage na binigyan ako ng thumbs up. Nang makalapt na ko sa mic, nagsimula na kong magsalita. Nagsimula akong magkwento ng mga nakakatawa at nakakalungkot na pangyayari noong high school. Nagkwento din ako tungkol sa buhay at kung paano dapat magsikap at hindi importante ang yaman. Nang matapos akong magsalita ay agad kong tumalikod at nagsimulang bumaba ng stage.

            Isang lalaki ang umalalay sakin pababa ng stage. Buti na lang at may gentleman pa sa mundo kundi nadapa-dapa na ko sa gown ko.

            “Sala-. . .” hindi ko natuloy ang sinabi ko ng makita ko ang mukha niya. Itim na buhok na ilang ulit ko yatang pinaglaruan sa mga daliri ko. Maputing balat sa ilang beses kong nahawakan at nahimas. Matangos na ilong na ilang beses kong kinurot. Hugis almond na mga mata na kahit ilang dekada kong titigan ay hinding-hindi ako magsasawa. Ang mapupula niyang labi na ilang beses kong hinalikan. At ang kamay niya, na umaalalay sakin na ilang beses kong nahawakan at ilang beses na yumakap sakin pagtulog.

            Lahat, lahat ng nakikita ko ay siyang-siya. Parang tumigil ang mundo at may spot-light sa kanya lang. Parang siyang nagsha-shine sa madilim na sulok ng backstage na iyon. Hindi ko malaman ang nararamdaman ko. Para kong nakita ang isang tao sa panaginip ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pero, huminto naman ng paghinga ko. Gusto kong umiyak, gusto kong ngumiti, gusto kong siyang sapakin, gusto ko syang yakapin. Pero higit sa lahat, gusto kong sabihin sa kanya: “Gago ka! Mahal pa din kita!” Pero, wala, wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Nakatitig lang ako sa kanya at sobrang bigla na bigla.

            “Hi, Toni.” Sabi niya saken. Parang may isang anghel na nagsalita nung marinig ko ang boses niya. Nanatili ako sa posisyon ko. Ang mga paa ay nasa hagdan at ang kamay ay nakawak sa kanya. Hindi ako makagalaw.

            “Uhm. . .Ah. . .Toni, tawag na ko sa stage. Kelangan ko yatang mag-speech.” Saad niya sakin. Wala. Wala pa ring akong naiintindihan sa sinasabi niya. Alam kong may sinasabi siya pero wala akong naiintindihan mula sa kanya.

            “Toni?” muli niyang tawag saken kasabay ng marahan na pag-uga niya saken. Para naman akong nagising sa isang mahimbing na tulog kasabay ng isang napakagandang panaginip. Ilang sandali kong kinurap-kurap ang mata ko bago tuluyang maintindihan ko sino ang nasa harapan ko.

            Ewan ko kung anong nangyari pero biglang napalitan ang lahat ng matinding galit. Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinuntok ko siya sa kanyang pisngi kasunod ang mabilis na pagtalikod. Nakarinig yata ako ng “Aray!” mula sa kanya. Pero, kung nasaktan ko man siya, mas masakit ang ginawa niya sakin.

            Hindi ako dumiretso sa table ko. Pag pumunta ako doon, pagtapos mag-speech niya, siguradong doon din ang punta nito. Ang ginawa ko’y, lumihis ako ng daan at nagpunta ako sa bar sa gawing kanan. Madilim ang parte na iyon at may ilang ding naka-upo pero hindi siya napansin ng mga ito. Lahat sila ay nakatitig sa lalaking nasa harapan ng lahat.

            Sobra ang galit ang nararamdaman ko. Sa sobrang galit ko ay para yata akong nahihirapang huminga. Nakaramdam ako ng sobrang uhaw. Nakita ko ang baso may kulay tubig sa loob. Kinuha ko ito at walang hinto kong tinungga ang laman nito. Nang-maubos ko ito ay para namang guminhawa ang pakiramdam ko.

REUNIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon