Note: I didn't get any inspiration. :( nabadtrip pa ko. :(
But still, hope you like this. :)
Kaway! Kaway!
-=-=-=-=-=-=-=-=-
Pinaupo ako ni Gio sa isang silya. Sa harap ko ay may mesa na may kadila at tatlong pirasong pulang rosas. Hindi ko sobrang ma-appreciate yung ganda nung set-up kasi nalilito pa din ako sa nangyayari.
Umupo si Gio sa kaharap kong silya. Hinawakan niya muna ang kamay ko bago nagsalita.
“Okay. Everything is a set-up. . .”
Akma yata akong sasagot pero bigla niya pinatong ang daliri niya sa labi ko.
“. . .hush. Listen first.”
Listen daw eh. Kaya wala na kong nagawa kundi tumahimik.
“I set this up so I can take you here sa Baguio. Ang hirap mo kasing ilayo sa trabaho mo. Ang hirap makipag-date sayo. . .” sabay ang bahagyang pagtawa nito but I remain poker face.
Ako mahirap ilayo sa trabaho? Sino kaya samen ang kada galaw namen may camera na nakasunod?
“. . .I asked Jay to pick you up. I told him to come up for an excuse para sumama ka sa kanya. I didn’t know na ang idadahilan niya ay nag-suicide si Jeff. . .” ngingisi-ngisi siya.
Tatawa-tawa pa to! Akala niya nakakatawa yung ganun biro?! Halos mabaliw ako sa pag-aalala!
Bakit hindi ba ko pede sumagot?! AMP!
“. . .Jeff is here kasi he’s supposed to be one of our ‘waiter’ for our candlelight dinner or lunch or merienda. Whichever comes first. . .”
So that explains this table and candle and roses.
Wait.
Di pa din niya sinasabi kung bakit may ganitong set-up.
“. . .and of course, I got Erwin and Cris to do the grocery. While I’m fixing ‘stuff’ here. . .”
Okay. Then. . .
“. . .now, this set-up. . .” sabay turo nito sa mga pictures na nakapalibot sa buong kwarto.
“. . .i’m guilty of it. I’m your stalker. Ako nag-collect ng pictures mo. On how I was able to get it, let’s just say I have connections. . .” lalo namang lumaki ang ngiti nito sa mukha.
Connections?
Eh kung gulpihin ko kaya tong taong to!!! Ewan ko na lang kung may magawa yung mga ‘connections’ niya!
“. . .pero it seems that bulilyaso yung surprise ko sayo. . .” sabay kamot sa ulo nito.
“. . .ang bilis mo dumating. When you got here, I was at the garden, picking some flowers for you. Tapos si Erwin at Cris, they just got back from the grocery. Si Jeff lang andito to make sure hindi magugulo ang set-up. Bilis na naman siguro magmaneho ni Jay. Badtrip talaga yun!. . .”
WOW!!!
Feeling ko kahit na-explain na saken ang lahat nalilito pa din ako.