Note: Mga bebe, sorry sa late update. :( Sobrang weird ng schedule ko ngayon eh. :D hehehe. :) Bawi ako. :D
Comment! Vote!
Kaway! Kaway!
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-
Agad kaming sumakay sa sasakyan ni Gio. Isang bag ang dala ni Ate Jessie kasi mag-o-overnight lang daw siya sa Pilipinas then tom. evening, uuwi din agad siya sa States.
Sosyal di ba? Parang ang Pilipinas eh sa kabilang kanto lang ng Canada.
Nagka-boyfriend kasi siya na Canadian Businessman. Ayun, nagka-inlove-an and after 2 years magapapakasal na.
“Cousin, I’m really sorry that I’m late. My flight was delayed due to the weather. Hirap talaga mag-travel kapag ganitong season.” Saad niya. Medyo panget kasi ang weather sa Canada.
“It’s okay. How are you? You look. . .wondeful!”
Maganda kasi talaga si Ate Jessie. Yung beauty niya eh parang European ang dating dahil sa lahi ng mother niya. Kaya nga niya yata naloko yung mapapangasawa niya eh.
“I must be! I must be a glowing during my wedding and my hubby is making sure that I’m getting all the pampering that I need.” Sabay tawa nito at hawi sa buhok.
“Arte mo talaga!” saad ko dito.
“Gio, how are you?” tanong naman niya sa katabi ko. Napag-gi-gitnaan ko kasi yung dalawa.
Ay bakit ganun? Parang wala lang. Parang pormal-pormalan lang sila. Alam ni Ate Jessie ang nangyari samin ni Gio. Nung kinuwento ko nga sa kanya yun, nasa Pinas pa siya. Lahat ng pigil ginawa ko diyan para hindi sugurin si Gio. Sobrang galit na galit siya dito.
Pero bakit ngayon? Ay? Anyare? Okay sila?
“I’m good. I’m happy you’re here.” Sabay tipid na ngiti ni Gio. Inalis na din niya yung shades niya kasi nasa loob naman na kami ng sasakyan eh kaya kita ko na nung ngumiti siya, SOLID. Abot hanggang mata. Hindi peke o pakitang-tao.
Noon kasi parang aso’t-pusa yang si Ate Jessie at Gio. Laging nag-aasaran at nagpipikunan. Lagi silang may baong pang-bwisit sa isa’t-isa everytime na may gathering ang family at alam nilang makikita nila ang isa’t-isa.
Anyare ngayon?
On the way sa hotel ni Ate Jessie, daldal ng daldal ito. Ang daming kwento tungkol sa preparation ng kasal niya at kung paano nag-prospose si Kim (fiancée niya) sa kanya kahit na nga ba ilang beses na naming itong napag-usapan over skype.
Ako, oo lang ng oo. Kunwaring nakikinig pero hindi naman talaga. Labo kasi eh. Bakit okay si Ate Jessie at Gio? Hindi ba dapat hindi ganito ang reaksyon nila sa isa’t-isa.
Napatingin ako kanan ko at napansin kong nakapikit si Gio. Ang haba ng lashes niya talaga. Tulog ba to o tulog-tulugan? Gusto ko siyang tanungin pero ayoko namang magmukhang naghihinala o interesado.
Excuse me, hindi porket medyo may moment kame kanina eh ayus na lahat.
Pagdating namen sa hotel ay agad na bumaba si Ate Jessie at sumunod naman ako. Nilingon ko si Gio pero nakita kong umurong lang siyang palapit sa kabilang pinto kung saan kame bumaba pero hindi siya bumaba ng sasakyan.