Note: Wala akong masabi. Hahaha. May pa-note-note pa kasi ako eh. :)
ENJOY! :)
KAWAY! KAWAY
==============================================================================
Lumipas ang linggo na laging nakabuntot sakin si Xavier. As in buntot talaga. Before, medyo conscious pa siya sa mga tao sa paligid namen kapag nasa hospital kame.
Maraming may alam na nanliligaw siya saken, even yung ibang members ng board. Including Bianca.
*evil smile*
Pero yung iba, may suspetiya lang. Kaya nga nung nagbigay siya ng flowers, nakasulat eh ‘anonymous’ eh.
Iba talaga ngayong linggong to. Most of the time, hindi na kame lumalabas para mag-lunch. Ang gagawin niya, bibili siya ng food from outside tapos dadalhin niya sakin. Then, he’ll,personally, deliver the flowers to me. Red roses.
Everyone knows na sa ospital na may feelings sakin si Xavier even yung mga regular patients ko. Nakaka-flutter but at the same time. . .nakakapressure.
On the other hand, si Gio naman ay araw-araw, as in araw-araw akong sinusundo kesho daw may appointment ako sa ganito, sa ganyan. Sinabi ko na sa kanya na ako ng bahala sa schedule ko, pero ayaw niya talagang ibigay yung planner. In fact, di niya na pinapakita sakin baka daw kasi bugbugin ko siya maagaw lang yun.
BALIW!
May isang araw pa nga na pinuntahan niya ko sa gitna ng clinic hours ko tapos ang sabi. . .
“Pinaka-magandang doktora sa buong mundo, cut your clinic hours. May appointment ka sa dentist mo. Di mo pwede tong i-miss kasi aalis papuntang states yung dentist mo at matatagalan bago siya umuwi.” sabay kindat sa pasyente kong buntis na kinilig naman.
Eh paano ba naman hindi kikiligin, imagine this. Nakasandal siya sa gilid ng pinto ko, all porma tapos WALA as in WALANG disguise.
Hindi ko alam kung anong trip nito eh.
Tapos, nung sumama nga ako sa kanya, lahat ng tao nasa labas ng clinic and we need to have a crowd control. Lalo na nung lumabas kame ng hospital, he have to put jacket over me para hindi mapicturan ng mga paparazzi.
Feeling artista tuloy ako.
*STAR*
So far, wala pa naman silang nakukuhang picture ko. Kahit ang hospital kasi hindi naglalabas ng statement, courtesy of Xavier, for my sake.
-=-=-=-=-=--=-=-
Friday, pauwi na ko samen. Well. . .of course I’m expecting Gio na nasa labas ng hospital.
Ngayon, bawal na siyang bumaba ng sasakyan. Aantayin na lang niya ako sa parking lot.
Weird nga eh. May sariling utak ang mga paa ko. Paglabas ko lagi ng hospital, alam ko lagi kung saan pupunta.
Sinabayan ako ni Xavier lumabas ng hospital. Dala niya ang iba kong gamit dahil medyo malaki ang dala kong bag dahil na din sa mga sample medications na bigay ng mga MedRep.
“Antonette, anjan na ba si Gio?” tanong ni Xavier.
It’s so weird na sa umaga kasama ko si Xavier buong araw tapos sa gabi si Gio naman. I know it’s wrong but its not like as if I told them to do so.
“Maybe. I don’t know.” Kibit-balikat sabay lingon-lingon sa paligid.
Well, I actually don’t care kung sunduin niya ko o hindi. It’s not like as if its his responsibility. At isa pa, I can manage on my own. I don’t bring my car but I know how to commute.