Chapter 7b

254 3 0
                                    

        Pagsinuswerte ka nga naman. Totoo nga ang kasabihan, expect the unexpected.

            “Anong gingawa mo dito?” tanong ko dito ng hindi tumitingin. Sino ang hudas na nag-Hi saken? Eh sino pa nga ba? Eh di si Gio! Just great! Binigay ko na sa barista ang order ko at pilit na inaalis sa isip na may isang nilalang sa likod ko na nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

            “Ano bang ginagawa sa café?” ganting tanong nito saken.

            Nilingon ko ang mokong bago sumagot. Aba’t tignan mo nga naman at nakangisi pa.

            “Matutulog?” sarkastikong sagot dito habang nakataas ang kilay.

            “Hindi, maglalaba.” Sabay tawa nito. Teka, yan din yung sinabi ko kay Bianca ah.

            *BOOM!*

            Ano ba yan? Bakit bigla na namang ganito puso ko. Palpitation agad samantalang wala pa kong naiinom na kape.

            Napansin siguro niya na hindi ako natawa kaya nabura sa mukha nito ang ngisi niya.

            “Hindi nakakatawa?” patampong tanong nito saken na kala mo bata. Imbes na pansinin ko siya ay dire-diretso ako sa isang table na dala ang order ko.

            Napansin ko na lang na umupo siya sa harap ko sabay titig sakin with matching ngisi pa. Aba’t nambubwisit talaga.

            “Kamusta ka na, Toni?” tanong nito. Lord, pa-extend po ng patience. Hindi ko na lang siya papansinin. Mapapagod din ito at lalayuan ako. Sana.

            “Taggal na din no? Imagine, doktor ka na. Wow!” OO! DOKTOR NA KO! Mas matalino na ko ngayon para maisip na hindi ka na parte ng buhay ko.

            “Mahilig ka pa rin sa coffee ah. Macchiato?” Eh ano naman kung Macchiato pa din ang iniinom ko? Boset! ALIS! LUBAYAN MO KO!!!

            “I remember, sobrang adik mo jan sa macchiato na kaya mong umubos ng 3 venti sa isang upuan lang lalo na kapag may exam ka sa anatomy.” AY grabe! Pede ba umalis ka na? Hindi na makapag-function ng maayos ang lungs ko eh.

            “Kamusta na ba sila Mama at Papa?” tanong nito saken. Ay potek! Ang kapal ng mukha tawaging Mama at Papa magulang ko.

            Hindi ko na napigilan ang sarili. Tinitigan ko na siya ng masama. Pero hindi pa din ako nagsasalita. Hindi siya deserving sa laway, boses at paggalaw ng bibig ko.

            “Hindi mo talaga ako kakausapin?” sabay iba ng boses nito. Sabay lungkot ng boses. Malungkot ba talaga o lungkot-lungkutan.

            “Aalis na nga ako. Dumaan lang naman ako para ibigay sayo to eh.” Sabay pakita saken ng isang notebook.

            Halos manlaki naman ang mata ko sa nakita ko.

            “Planner ko yan?!” napasigaw ako sa kanya.

            “Since, ayaw mo kong  kausapin, itatago ko na lang to. Ibabalik ko sana sayo eh, pero ayaw mo ko pansinin. Kaya alis na lang ako.” Sabay tayo nito. Pero bago pa siya tuluyang makatayo eh hinawakan ko na ang braso at hinila siya pabalik.

            “Wait! Akin na yang planner ko! Paano napunta sayo yan? THIEF!” angas ko dito sabay agaw sa planner. Pero bago ko pa ito mahablot eh naiwas na niya ang kamay niya. Nakakainis talaga tong taong  to!

REUNIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon