Chapter 10a

222 0 0
                                    

==============================================================================

            Now, I’m waiting here outside the international arrival in NAIA. And yes, waiting with Gio. Kasi, instead na puntahan ko pa yung kotse sa may parking lot which will take time to get there, inoffer ni Gio kotse niya.

            And yes, iniwan ko si Xavier. Nagui-guilty talaga ako pero kailangan ko talagang puntahan yung pinsan ko. She’s my cousin-bestfriend and I haven’t seen her for 3 years na because she’s living in Canada. She’s just here to give me “PERSONALLY” her invitation para sa wedding niya. She’s been longing for this.

            Actually, she’s 2 years older than me. But we’ve been very close since we're kids. So, she knows everything about me and I know everything about her.

            Napatingin naman ako sa lalaking katabi mo. Nakatitig pala sakin kaya pagharap ko sa kanya eh napangisi. NAKU! Kung wala lang ginawang kalokohan saken to noon, baka maniwala ako sa mga mapang-akit na ngiti niya.

            Pinilit ko na lang na mag-galit-galitan.

            “Ibigay mo na nga sakin yung planner ko! Pambwisit ka eh! Ma-mi-miss ko yung mga importanteng appointment ko eh.” Angas ko dito sabay titig ng masama sa kanya.

            “NOPE!” with emphasis pa sa letter ‘p’. Napakamot ako sa ulo ko sa sobrang yamot.

            “HANNUUUBAA!!! Tigilan mo nga ako. Ibigay mo na sakin kasi yung planner ko! Nakakagigil ka na ah!” iba na talaga yung yamot level ko sa taong to eh! Tatanda agad ako sa bugok na to eh.

            “Oy, mahal! Bad yan ah! Huwag ka namang mang-gigil sakin. Alam kong sobrang cute ko pero hindi ka dapat mang-gigil. Kakahiya. Naririnig ka ng maraming tao oh.” Sabay tingin-tingin sa paligid na akala mo ba may nakikinig talaga sa usapan namen.

            AYYYY!!! Mababaliw na ko sa taong to! FEEEELINGERO!!! ARGH!!! Hindi ko na lang sinagot tong si Kokey.

            Bakit Kokey?

            Kasi naman, nakajacket siya, tapos nakahood with sunglasses. Celebrity eh! Sinabihan ko na, na ako na lang maghihintay sa pinsan ko, aba’t nagpumilit pa kasi daw ready naman siya sa mga ganitong bagay.

            Complete disguise si loko. Boy scout!

            Napatingin ako sa paligid at napansin ko yung dalawang bouncer ni Gio. Naka-distansya naman sila samen pero dahil kakaiba sila (black Americans na naka suit and tie) napapatingin sa kanila lahat ng tao.

            “Lagi mo talaga dapat kasama yung mga yun?” sabay nguso ko sa mga bouncer. Sinundan naman ng tingin ni Gio ang mga tinutukoy.

            “Bakit mahal? Gusto mo ba tayong dalawa lang?” sabay ang ngisi nito.

            “Bakit Gio, gusto mong katayin kita ng buhay?!” sarkastikong sagot ko dito. Yabang talaga netong taong to! Yung ulo niya mas malaki na sa planet Jupiter.

            Aba’t imbis na sumagot eh tinawanan lang ako. Kabwisit talaga.

            Magsasalita sana ako kaso biglang tumunog ang cellphone.

            Si Xavier.

“Xavier!”

{Antonnete, I’m just calling in to check on you. To make sure nakarating kayong mabuti sa airport.}

 Sweet niya talaga. Sobrang pinapanindigan niyang sa tabi ko lang siya lagi.

“Oo, dito na kame  sa airport. Delay kasi yung flight ni Ate Jessie eh.”

{Ah ganun ba? So matatagalan ka pa? Gusto mong, sunduin kita?}

Bigla akong napatingin kay Gio. Nakatingin lang siya saken. Hindi siya nakangiti, hindi din siya nakasibangot. Pero makikita mo yung parang may inis sa mukha niya. Poker face lang pero. . .iba eh.

“Ah, hindi na. Kaya ko na. Sasabay naman ako kay Ate Jessie eh. Tsaka baka dun na din ako matulog sa hotel niya.”

{Sure ka ba?}

“Oo naman! Ako pa! Kaya ko sarili ko no.” sabay ang marahan kong tawa.

{Hindi mo naman kailangan magtapang-tapangan kapag ako ang kausap mo eh}

Napangiti ako sa sinabi niyang iyon.

“Alam ko. Kaya nga sobrang thank you eh.”

{o sige, baba ko na to. Ingat ka. Text me or call me kung kailangan mo ko. Lilipad agad ako jan.}

“Okay, Super-man. Bye.”

{Bye Wonder-woman. See you soon.}

At binaba na namen ang telepono. Kapag si Xavier talaga kausap ko, feeling ko daig ko pa mga superhero eh. Fully charge ang strength ko.

“Sobrang close niyo ah.” Saad ni Gio saken. Hindi matatago sa boses niya yung pagkadismaya. Eh ano naman kung close kame.  Bawal na kong magkaroon ng friends.

“Friends kasi kame eh.” Tipid kong sagot sabay tago ng cellphone ko.

“Sana. . .sana maging friends na tayo ulit para ganyan ka din makipag-usap saken.” Halos pabulong niyang sabi saken.

Kaya ko bang makipagfriends sayo?

“Kapag ako naging friend mo ulit, I’ll be your Spider-man. Kasi favorite mo yun and you’ll be my Mary Jane. You always wanted to have the same red hair as hers and you’re a very strong, independent woman even without super-powers.”

Napatitig ako sa mukha niya. Ang hirap kalimutan ng feelings lalo na kung ganito siya saken na lagi na lang pinapaalala ang pass. Totoo naman yung sinabi niya eh. I love Spider-man. I wanted to be Mary Jane. He knows it. Since then.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya. Nakaka-touch lang kasi yung idea na alam niya kahit yung mga simpleng mga ganung bagay, nakakatuwa. Naiinis ako sa kanya kasi iniwan niya ko, pero sa mga oras na ito, ramdam kong hindi niya ko kelanman kinalimutan.

Relasyon lang namin ang natapos, hindi ang pagkakakilala namen sa isa’t-isa.

Hindi ko alam anong nangyari. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang pisngi ko. Napapikit ako. Ang sarap sa pakiramdam. Ang lakas ng hangin, maginaw, nilalamig ang mukha ko, pero sa init ng kamay niya, nakakaginhawa sa pakiramadam.

Gusto kong kutusan ang sarili ko! Pero, hindi ko kaya. Tinapos ko na lahat sa amusement park ah?! Gusto ko ba talaga yun? O feeling ko yun ang tamang gawin?

            Sa likod ng glasses niya, alam kong titig na titig siya sa mukha ko ngayon. Ramdam ko siya. Ang buong siya.

            “Gio, bakit mo pa kasi ako iniwan. . .”hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahawak ako sa kamay niya at tumitig sa mukha niya.  Gusto ko ng sagot. Please Gio. Sagutin mo ko.

            “Di ba, sabi nga ni Uncle Ben ni Spider-man, ‘with great power, come’s great responsibility’. . .can I just say yun ang nangyari sakin, for now?” saad niya.

            Sapo na niya ang parehong kong pisngi ng mga palad niya. Gusto kong magalit sa kanya kasi napaka-vague ng sagot niya. Pero. . .ayokong i-break ang spell. Ayokong mag-strike ng twelve. I want the time stop and I want this moment last. LAHAT NA.

            Pero, there’s one thing that you will never control, CHANGE.

            “COUSIIINNN!!!”

REUNIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon