Chapter 7a

253 0 0
                                    

“Doc, mali po yata yung file na sinulatan niyo ng diagnosis. Si Misis Martin po yun hindi si Misis Ferrer.” Saad sakin ni Shelly sabay abot ng parehong file.

            “Ganun ba? Sorry Shelly, ayusin ko na lang.” sagot ko dito. Ang sakit talaga ng ulo. Halos wala kasi akong tinulog kakaisip kay Gio. Ewan ko ba kung bakit pa ko nagpapa-apekto sa mokong na yun. Nakatulog nga ako ng mga 3 oras puros siya naman ang napanaginipan ko. Ay boset! Ngayon dito naman sa ospital, kung hindi sobra, kulang ang ginagawa ko. Pamali-mali ako. Arghh!

            “Doc, gusto niyo po break na muna tayo? Tutal naman po wala ng pasyente sa labas. Tsaka hindi pa kayo nag-la-lunch.” Alok sakin ni Shelly.

            Agad naman akong napatingin sa relo sa tabi ng mesa ko. Ala-una na din pala. Kanina pa dapat yung lunch ko.

            Napabuntong hininga na lang ako. Ano ba yan?! Pati oras nakakalimutan ko na.

            “Okay. Sige. Break muna tayo.” Saad ko dito habang inaayos yung gamit ko.

Pasakay na ko ng elevator ng biglang may tumawag sakin.

“Doktora Sandoval!”

Agad naman akong napalingon sa likod at nakita ang lalaki na ngiting-ngiti at suot ang isang v-neck na kulay blue at isang fitted jeans. Kung hindi ko siya kilala, iisipin kong isang supermodel ang papalapit sakin.

“Doc Garcia. Hindi mo naman ako na-inform na catwalk na palang tong hallway ng hospital.” Saad ko dito kasabay ang tawa. Natawa na din siya ng maintindihan ang sinasabi.

“Bakit ka nga pala nandito? Di ba tuwing Saturday wala kang clinic?” tanong ko dito habang papasok kame ng elevator.

“May kinuha kasi akong mga files sa clinic ko tapos naiisip ko din na andito ka ngayon, kaya naisipan ko din na dumaan sa clinic mo. Buti nga naabutan kita eh.” Saad nito sakin.

Alam ko naman kung ano ang nararamdaman ni Xavier sakin eh kaya nga kapag ganito siya magsalita o kumilos sa harapan ko, sobrang naiilang ako. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin sa kanya. Fine. Gwapo siya, mayaman, mabuting tao. Pero, alam mo yun, parang walang . . .BOOM! kapag kasama ko siya.

“Ganun ba? M-may kailangan ka ba sakin?” tanong ko sa kanya. Bakit ang tagal naman bumaba ng elevator na to.

“Ang taggal na kasi nung huli nating lunch together. Napaisip lang ako kung pedeng masundan ulit yun ngayon.” Sagot nito sabay tawa. Yung tawa na alam mong kinakabahan.

Naku, naman! Eto na nga ba yung sinasabi kong moment eh. Ayoko ng ganito sitwasyon namin ni Xavier. Alam kong matagal na niya akong nililigawan, pero hindi pa ko handa. Hindi PA RIN ako handa.

“Ah, Xavier, may clinic pa kasi ako hanggang 5pm di ba? Kailangan kong bilisan kasi may mga pasyenteng naghihintay sakin.” Sagot ko dito ng hindi pa din makatingin sa mata niya.

“Ah, okay lang. Antayin na lang kita pagtapos ng clinic mo. Then, we could have dinner instead” alam mo yung boses na parang nabuhayan, yung boses na HOPEFUL.

“Xav-. . .”

“Antonette, inaaya kitang kumain as a friend and as nililigawan. Gusto kitang makasabay kumain. Gusto kitang makilala ng husto. Gusto kong malaman ang gusto at hindi mo gusto. Hindi ibig sabihin ng pagkain natin together ay pinipilit na kitang sagutin mo na ko. Naiintidihan kita. Simula nang araw na sinabi ko sayong gusto kita, hinanda ko na din ang sarili ko sa mga susunod na mangyayari. Tulad ng. . .maghintay. Kahit gaano pa katagal.”

WOW!!! Yun lang. Hindi ako maka-counter attack sa mga sinabi niya. And all the while na nagi-ispeech siya saken ay titig na titig siya sa mga mata ko. Aba syempre, dapat may isagot ako sa ganung speech niya. Aba! Si Doctor Sandoval ata ako. Hindi ako magiging doktor kung hindi ako matalino. Kaya sinagot ko siya sa pinaka-matalinong sagot.

REUNIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon