Chapter 14b

124 3 0
                                    

Note: Please vote or comment kung gusto niyo yung chapter. Iba talaga yung feeling. Nakaka increase ng confidence talaga.

 Peksman!

Kaway! Kaway!

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

            After ng pag-uusap namen na yun, ewan ko ba pero mas naging okay kame pareho. Tawa kame ng tawa habang nag-uusap at habang pinapanood ang mga workers. Tapos lahat ng bagay nagiging biruan namen.

            Hindi na namen binanggit sa isa’t-isa ang napag-usapan namen. Hindi ko na rin siya sinagot sa mga sinabi niya. Kasi, technically, wala naman siyang tinatanong saken.

            Medyo magulo yung usapan namen pero tanga na lang ang hindi makaka-intindi nun.

            Mahal niya ko, alam niya ang nararamdaman ko. Pero kung maghihintay siya o hindi, yun siguro ang malabo.

            Pero sana hind na siya maghintay para hindi na siya umasa.

            “Antonette, it’s past lunch. Come on! Let’s go back so we can eat.” Aya nito sakin.

            “Ah, okay! Sunod na ko.”

            Nauna na si Xavier papuntang sasakyan. Nang akma na kong susunod sa kanya ay biglang may sasakyan na itim na humarang sa harap ko.

            “ANTONETTE!”

            Halos hindi ako makahinga sa kaba akala ko kasi masasagasaan na ko. I’m just inches away sa sasakyan na yun.

            Nagulat na lang ako ng bigla akong hawakan ni Xavier.

            Wow bilis niya ah! XAVIER-THE FLASH!

            “Are you okay?” tango lang nasagot ko sa kanya.

            “HOY! SIRAULO KA BA?!” sigaw ni Xavier sabay suntok sa sasakyan.

            Nagulat na lang ako ng biglang bumaba si Jay.

            “JAY?” gulat na tanong ko dito.

            Bakit andito to? Pano niya nalaman na andito ako?

            “Kilala mo to?” takang-tanong ni Xavier.

            “Anong ginagawa mo dito? Halos mapatay mo ko ah!” tanong ko ulit dito habang papalapit ito samen, ignoring Xavier’s question.

            “That will cost you!” sigaw ni Jay kay Xavier patungkol sa suntok na ginawa nito sa kotse niya.

            “Oh yeah? You’re about to kill, Antonette! You stupid, moron!” sigaw ni Xavier.

            “Stupid, moron? Do you want to see how stupid, moron I am?! HA?!!”

            Akma ng susuntok si Jay ng bigla kong hilain yung tenga niya.

            “ANO BA?! Para kayong mga tanga!!! Xavier, this is Jay. My RECKLESS-DRIVER friend. Jay, this is Xavier. Anong ginagawa mo dito?”

            Naramdaman ko namang medyo kumalma yung dalawa dahil sa pagsigaw ko.

            Wow! Kelan pa naging therapeutic ang boses ko?

            “Well, I was on my way to Baguio to meet up with some friends. Cris called me telling me na kasama niya si Jeff sa rest house nito sa Baguio and about to take suicide!”

REUNIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon