Note: Eto pa oh. :)
KAWAY! KAWAY!
==============================================================================
GIO's POV
After ng magpunta kame sa bahay ni Toni, lahat ng hingi ng tawad narinig ko sa tatay ni Toni. Oo, pinahirapan niya ko noon. Pinahirapan niya ang relasyon namen, pero at this point, hindi ko na magawang magalit.
Kailangan nameng magtulong para maayos ulit si Toni.
Para bumalik na ulit ang Toni ko.
Nung tinawagan nila ako nagkita-kita kame sa bahay ni Toni, wala na kong pakelam sa lahat. Nakalimutan ko na ang lahat. Ang importante, makita ko si Toni.
Kung saan-saan ako nagpunta. Para akong g*go na hindi ko naisip na baka nasa bahay lang siya.
Habang sinisira ang pinto niya, kung ano-ano tumatakbo sa isip ko.
Paano kung hindi ko na siya maabutan? Paano kung huli na ko?
Nung nakita ko siya na nakahiga lang sa kama niya, halos malusaw ako sa panghihina. Sobrang payat niya na. Maga ang mga mata na may malalim na eyebags. Ang putla-putla niya. Hindi ko alam kung kelan siya huling kumain. Hindi ko nga din alam kung tumatayo ba siya eh.
Maayos ang lahat sa kwarto niya, maliban sa kanya.
How ironic.
Gusto ko siyang lapitan at yakapin ng soobrang higpit. Gusto kong mag-sorry sa kanya. Gusto kong sisishin ang buong ako sa nangyayari sa kanya.
Pero nung nakita ko siya. Nawalan ako ng lakas.
Galit.
Matinding galit ang nakita ko sa umiiyak niyang mata.
Hindi ko nagawang gumalaw o magsalita.
Nakakatakot na baka kapag hinawakan ko siya, parang buhangin ay bigla siyang liparin ng hangin.
“I-isha pa nga neto!” sabi ko sa bartender at inabutan naman ako nito ng parehong alak na ininom ko.
Wala na kong pakelam kung anong sabihin ng mga taong nakakakita saken. Wala na kong pakelam kung masira ang buhay ko o ang career ko.
Nasasaktan ako eh! Pake ko ba sa kanila.
Bigla na lang ay nakita kong tumabi saken si Jeff. Umorder din ito ng kung ano man at tinignan ako.
“Mukha kang g*go, Gio!” natatawang saad nito. Nilagok ko yung isang basong alak. Hindi ko na nga malasahan yung paet eh.
“Anong ginagawa mo dito?” angas kong tanong dito.
“Eh ano pa eh di para mag-pep-talk. Alam mo na, advice-advice.” Saad nito habang natatawa.
“G*go!” saad ko dito.
“Mas g*go ka! Anong ginagawa mo dito? Bakit wala ka sa tabi ni Toni ngayon?” saad nito habang nilalaro ang baso ng alak nito.
“Hindi niya nga ako kayang tignan eh. Tuwing andun ako, kulang na lang magpakamatay ako sa harap niya para lang pansinin niya ko. . .”