Note: Like it if you like it. :) hihi. :)
Pambawi to kasi kagabi di ako nakapag-update eh. :)
Kaway! Kaway!
==============================================================================
Kinabukasan, umuwi na din kame ni Gio sa Manila. Back to reality kame pareho. Ako, sa hospital, siya naman sa filming.
Pagdating ko nga sa ospital, sobrang hiyang-hiya ako sa mga pasyente ko kasi sa gitna ng clinic hours ko, may dumating na delivery boy at may dalang isang malaking bouquet of red tulips.
“Doktora, may nagpapadeliver po.” Sabay abot ni Shelly ng flowers. I saw how she smiles like as if nanunukso.
Hindi ko pa binabasa ang card, alam ko na kung kanino to galing. Hindi ko tuloy mapigilan mapangisi sa kilig.
“Wow, doktora, ngayon ko lang po kayo nakita ngumisi ng ganyan. Nakikilig din tuloy ako.” Pang-aasar pa saken ng pasyente ko.
Ay grabe! May ibang tao pala dito.
Smile?! BEHAVE! Control yourself!
“Naku, Mrs. Dy, kung andito kayo araw-araw lagi niyong makikita yang si doktora na laging naka-smile at laging kinikilig.” Dagdag pa ni Shelly.
“Talaga?” natatawa na gatong naman nito.
“Kayo talaga! Andito lang ako kung pag-usapan niyo ko. . .back to work!” saad ko sa kanila pareho.
Pero, imbes na ma-threathen ay natawa lang sila pareho saken. Hindi naman ako galit eh, pero kasi alam mo yung kinikilig ka na tapos aasarin ka pa na kinikilig ka. Like as if lalo dinidikdik sayo na nakakakilig ang moment.
Nakakakilig tuloy.
Haaaayyyy!
Wala na kong nasabi kundi kilig.
Eh nakakakilig naman kasi talaga.
Pagka-break time ko, tsaka ko pa lang nabasa yung card na kasama nung bulaklak.
To: Mary Jane,
I love you.
From: Spider-man.
Natawa naman ako sa card nito. Mukha talagang spider-man to! Pero naman kasi, kahit three words, eight letters lang ang message niya, it means so much to me.
It means so much MORE to me.
Ilang taon ko inisip kung paano ba kung magkabalikan kame ulit.
Ganito pala yun. Worth the wait.
I took out my cell phone and started dialing his number. Nangingisi na ko iniisip pa lang kung anong sasabihin sa kanya. Naka-ilang ring na pero hindi pa rin niya sinagot.
I dialed again. I know his practicing or something pero gusto ko talaga siya maka-usap.
{Hello?}
Sira ba tong phone na to? Bakit iba yung boses ni Gio? Bakit boses babae?!!!
{Hello? Hello?}