Note: Eto na update . :) Sorry kung natagalan. :(
KAWAY! KAWAY!
==============================================================================
GIO'S POV
Ilang oras na lang matatapos na tong filming na to. Grabe lang ang pagod ko ah.
Pero tuwing maiisip ko si Toni, nawawala lahat. Keso na kung keso, pero anong magagawa ko, in-love-babo ako.
Kaninang break namen, sinubukan ko siyang tawagan pero walangi sumasagot sa cell phone niya. Baka pagod yun kasi naman sobrang active. Daming inaasikaso.
Tapos pressured pa yun sa event.
Dadalhan ko na lang siya mamaya ng something.
“Gio, 5 minutes, you’re on!”
Tawag saken ng isang sa mga production crew.
Agad akong tumayo, iaabot ko na sana ang cell phone ko sa assistant ko ng biglang nag-ring ito.
Nagulat naman ako sa kung sino ang tumatawag.
“Annie?”
{Kuya? Kuya Gio?} Naririnig ko yung boses niya na parang humihikbi na ewan.
“Oh? Bakit? Anong nangyari?”
{Kuya. . .kuya. . .alam na ni Ate. Alam niya na ang lahat!} at isang malakas na iyak ang sumunod kong nadinig.
Naguguluhan ako. Anong alam ni Toni?
“Annie, umayos ka. Mag-explain ka ng maayos!” Sandaling humikbi-hikbi ito bago nagsalita.
{Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa kanya. She went here at pina-confirm saken ang lahat. . .i thought. . .i thought alam niya na. . .kasi. . .ka-kasi kayo na ulit diba?} Tapos naiiyak na ulit ito.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ako. Alam kong eventually, she will know.
But not this way. Hindi yung hindi niya ko katabi.
“WHERE IS SHE, ANNIE? WHERE IS SHE?!” naramdaman kong nakatingin na din saken ang mga tao sa paligid ko, pati na din yung assistant ko.
I don’t care! I need to know she’s fine. I need to know where she is!
“Gio! Take na!” tawag ulit saken ng production crew.
I want to yell at them! I want to curse at them! I want to blame everyone!
But I know, at the end, it’s all my f*cking fault.
{Hindi ko alam. . .she went out and left and I called you right away. . .}
Hindi ko na alam kung ano pang sinabi ni Annie.
I just saw myself, grabbing my keys and heading out. Nakita kong nagpumilit sumunod ng mga guards ko pero wala na silang nagawa. Sumakay ko ng kotse at pinaharurot yun.
I need to find her!
I went straight to her house, pero naka-lock ang door. Patay lahat ng ilaw. I tried knocking, no, banging her door, but no one answered.
I went to her office, but she’s not there either. I went to her favorite restaurant, malls, shops. . .i can’t find her.
“Where are you, Toni?”
I called everyone, but Toni didn’t call them and they don’t know where she is.
“F*ck! TONI!!! WHERE ARE YOU?!”
Marami na din nakakapansin saken so I have to continue looking ng hindi bumababa ng kotse.
I never knew that I will do this but I’m losing hope. I need to find her.
I took my phone out and started dialing a number.
“Xavier. . .alam mo kung nasan si Toni?”
{Akala ko ba kasama mo siya?!} Pagalit na sigaw nito sakin.
“Assh*le! You think I will waste my f*ckin time calling you kung kasama ko siya?”
{Hindi ko siya kasama. . .why are you looking for her?} I can hear from him yung alala niya. He knows it too. Everyone knows, except for her.
“Alam niya na. . .” and I ended the call ang bang my head on the wheel.