Disclaimer: I don't have anything against sa mga artista at mga fans ah. Ako nga number 1 fan ni Enchong Dee, F4 (taiwan), Yeng Constantino, at Erich Gonzales at Jang geun Suk :) Hahaha. Inartehan ko lang atitude ni Antonette dito. :) hihi. :)
Note: Nawalan na talaga akong ganang mag-update. Pero nakita ko may naglike sa Chapter 3b ng reunion. BOOM! Saya ko! Kaya eto. Enjoy! :)))
-=-=-=-=-=-=-=-=-
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi na nakasuot ng boxers shorts, heels at tshirt. Basta ang alam ko, naka-uwi ako ng bahay ko ng buo pa naman ako.
Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Alam kong dapat sa mgapanahon na to, move on na ko. Diyos mio naman, tatlong taon na yun. Inamag na ng panahon. Pero bakit ganun, dala lang ba talaga to ng sa matagal kaming hindi nagkita, dala lang ba sa may hangover ako o dahil talagang ma. . .ma-mahal ko pa din siya?
HINDI!!!! Sigaw ko sa utak ko kasunod ng pagkamot ko sa buhok ko. Badtrip talaga oh! Bakit di ka maalis sa isip ko?!!! Kasunod ang pagbagsak ng ulo ko sa mesa.
“Doktora, okay ka lang?” alalang tanong ni Shelly saken.
“Hindi. Pwede bang patayin mo ko ngayon Shelly?” sagot ko dito habang nakayuko pa din ang ulo ko sa mesa. Bahagya namang natawa ito sa sinabi ko.
“Naku po doktora. Hindi ko na po kayo kailangan pang patayin, mamaya sa board meeting, papatayin ka na ng mga boss mo.” Ganting banat nito.
“OO NGA PALA!!! Yung presentation ko?” tanong ko agad sa kanya sabay bangon sa pagkaka-upo. Agad kong hinagilap ang mga files na kakailanganin ko para sa project presentation ko.
“Ready na po lahat. Powerpoint presentation soft and hard copies. Spiels are in your folder. Ikaw na lang po ang kulang doktora.” Pang-aasar nito. Natawa na lamang ako sa sinabi nito. Buti na lang at meron akong isang maaasahang secretary.
-=-=-=-
“And that’s how we will launch ‘Step one: Healthy life’.” Pagpipinale ko sa presentation ko. Lahat ng member of the board are in front of me at kinikilatis nila ang bawat salitang sinabi ko. Not as if Im no good, in fact, kabaliktaran pa nga eh.
“I like it. I think, that is way better kumapara sa usual medical mission. Atleast, we can show them na hindi lang sa gamot nakukuha ang malusog na katawan but also for having an active life.” Sang-ayon ng isa sa mga member ng board. Natuwa naman ako at sobrang nagustuhan nila.
“Pero, I just want to make sure. Yung mga supplies na gagamitin naten, we have sponsors for that? How did you do that?” tanong ng isa sa akin. Bahagya naman akong napangisi. Kung lumalaki lang ang ulo ng isang tao, siguro ako na ang may pinakamalaking ulo sa buong mundo. I’m so proud of myself.
“Yes Doc. They want to promote their products, we need their product. So it was a win-win situation.” Pagyayabang ko pa.
“You’re so good at this Toni.” Bati pa sakin ng isa pa. Mahinhing yuko at smile lang ang sagot dito. Of course, I must be good at this. I was born to do this.
“Wait, how can we let people know so they can come? Do you think having fliers and banners are enough? I mean, we will not be releasing so much expenses for the equipment so why not increase the budget for the promotion?” singit ng isa pang member. Hindi ko nga naisip yun ah. Mark down for me then.