Chapter14e

127 3 1
                                    

Note: Hope you like it. :)

kaway! kaway!

-=-=-=-=-=-=-=-

            Sa hinaba-haba nga naman ng lalakbayin namen sa bonfire din kame natuloy. Halos naikot nga ata namen ang buong Baguio.

            JOKE!

            Basta, nakita ko na lang ang mga sarili namen sa likod ng bahay nila Jeff at nagsisimula ng mag bonfire.

            “Grabe, ang sakit ng paa ko! Sino ba naman kasing nag-suggest na maglakad tayo?” reklamo ni Jay habang hinihimas ang paa.

            “Sus! Signs of aging lang yan! Tanda mo na!” kantyaw pa ni Erwin.

            “Hoy! May matanda bang madaming chiks?” gatong nito.

            “Madaming chicks mo mukha mo! Kung alam lang nila yung mga kademonyohan mong ugali. Ewan ko na lang kung magustuhan ka pa nila!” pang-aasar ko dito habang nagdadagdag ako ng mga kahoy sa apoy.

            “Toni, nowadays, girls fall for bad boys. Just accept it I’m irrestible.” Pagyayabang nito sabay ayos ng jacket at porma.

            “Nakakadiri kang tao!” sabay ismid ko dito at tinuon na lang ang pansin sa apoy.

            Umupo na din ako sa isang log na sinadya yatang putulin para sa mga ganitong pagkakataon. Naramdaman ko na din na tumabi sakin si Gio.

            Para tuloy may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng bahagyang magdikit ang mga braso namen.

            SIOMAI MAMI!!!

            Bakit naman ang liit ng kahoy na to? At isa pa, kanina pa tong lalaking to ah. Kanina pa nakadikit ng nakadikit sakin. Lahat ng pinuntahan namen, kada lingon ko, siya ang nakikita ko. Lahat inexplain niya. Tapos, patawa pa siya ng patawa. Paminsan nga napapansin ko na kame lang ang tumatawa.

            Like as if. . .

            We have our own world. . .

            ERASE!!!

            Ano ba tong kalandiang iniisip ko?! ERASE!!!

            “Pagod ka?” nagulat ako ng bigla kong marinig ang boses niya.

            Yan, daydream pa kasi.

            “Ah. . .Hi-hindi. Ayos lang ako. Nakakatuwa nga na ang dami nating napuntahan eh.” Saad ko dito sabay ang hugot ng malalim ng hininga.

            Gabi na kaya sobrang lamig na. Nung pumunta ako dito, wala akong dala kundi yung mga personal kong gamit kaya naman ang jacket na suot ko ay jacket ni Gio.

            Sa bawat paghinga ko, naamoy ko yung distinct na amoy niya. Yung amoy na kahit walang pabango, alam mong siya yun.

            “So. . .hindi ka na galit na pinakidnap kita dito?” natatawa-tawa niyang tanong sakin.

            Isang marahang tango na lang ang sinagot ko sa kanya.

            After today, I must say na worth it na rin ang nangyari.

            Nakita kong naglight-up ang mukha sabay tumingin sa langit at huminga ng malalim. Nakaplaster sa mukha niya ang saya.

            “This is a one perfect night. . .” bulong nito habang nakatingin pa rin sa kawalan.

REUNIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon