One month na ang nakalipas simula nung nagsimula ang classes.
"Becca. Becca. Becca." Alex
One month na rin ang lumipas nung naging kaibigan ko ang mga poging to.
"Ano na naman ba Alex?" Ako
Silang lahat, makukulit. Di rin inakala ng mga bests ko na ganun sila kakulit.
Di talaga natin mababase ang isang tao sa physical appearance lang. Dapat kilalanin muna yung tao before ka magjudge o magsabi ng kahit ano sa kanya.
"Wala lang naman. Tinawag lang kita." Alex
"Eh kung sapakin kita kasi wala lang naman sakin." Ako
"Sadista eh noh?" Alex
"Papansin lang yang si Alex eh." Jack
"Sinabi mo pa." Ricco
"Walang basagan ng trip kasi. Kung gusto niyo, magpapansin rin kayo." Alex
Nasa tambayan kami ulit. Break time kasi.
Noon, ako lang ang nagpupunta dito at minsan sumasama ang mga bests ko pero ngayon, mas lalo kaming dumami nang dahil sa mga lalaking to."Best, anong plano sa club natin ngayong darating na acquaintance party?" Hyacinth
"Sabi ni president, pag-uusapan daw muna nating mga members yun." Ako
Malapit na ang acquaintance party namin. Sa tuwing may event sa school, nagpeperform ang club namin. Dagdag grade na rin yung pagsali namin sa program.
"Hoy! Akin na yan!" Nagulat kami kay Nicole
"Anyare?" Jennifer
"Eto kasing si Jack, kinuha ang binili kong fish cracker. Akin na." Nicole
"Para fish cracker lang. Hihingi lang naman ako." Jack
"Ayoko! Bumili ka ng sayo." Nicole
"Ang damot naman neto." Jack
"Mas madamot ka kasi nakikikain ka lang sa mga binili namin." Nicole
"Eh poor ako eh." Jack
"Poor daw? Bakit ka nakapasok sa dati mong school eh mahal ang tuition dun?" Nicole
"Di naman ako ang nagbabayad ng tuition ko kundi parents ko. Tanga ka ba? Estudyante pa kaya ako." Jack
"Makatanga ka! Sipain kita jan eh!" Nicole
Sasagot pa sana si Jack pero inawat naman sila ni Tristan. Tristan na tawag ko sa kanya kasi binibigyan nila ng meaning ang pagtawag ko ng TJ kay Tristan.
"Tumahimik nga kayo! Dada kayo ng dada, ubos na rin naman ang pinag-awayan niyo." Tristan
Nagulat sila pareho at hinanap ang fish cracker na hawak kanina ni Jack pero biglang nawala sa kamay niya.
Kumagat naman sina Kim at Oliver na pinarinig pa talaga nila yung tunog sa dalawang nag-aaway.
"Hoy!" Sabay nina Nicole at Jack
Ngumisi lang ang dalawa.
"Sarap!" Kim at Oliver
Nagtawanan kaming lahat sa ginawa nina Kim at Oliver.
"Yan kasi. Kung binuksan pa natin yun kanina, nakakain sana tayo." Jack
"Eh kung hindi mo sana kinuha, nabuksan ko na sana yun." Nicole
"Eh kung nagshare ka pa, nakakain na sana tayo." Jack
"Eh..." Nicole
"Eh kung sipain ko kayong dalawa? Ang ingay niyo!" Christopher
BINABASA MO ANG
He's Mine. She's Mine.
Teen FictionSundan ang story ng mga magbabarkadang sina Rebecca, Queenie, Hyacinth, Jennifer, Nicole, Charilou, at Emerald kasama ang pitong nagagwapuhan na mga lalaki na sina Tristan, Kim, Christopher, Alex, Oliver, Jack, at Ricco.