Chapter 38: The Painting

109 5 0
                                    

Queenie's POV

"Hoy! Bumangon na nga kayo jan! May trabaho kayo ngayon." Becca

Hindi namin pinansin ni Hyacinth si Becca.

"Bangon na sabi!" Becca

Dinedma pa rin namin si Becca.

"Ah okay." Becca

Hay salamat! Tumigil rin si Becca.

Kahit ano namang pilit niya sa amin ni Hyacinth, hindi kami babangon. Napagdesisyunan namin ni Hyacinth na hindi muna kami papasok ngayon sa trabaho.

Pinikit ko na ulit ang mga mata ko.

Napabangon kami ni Hyacinth.

Nabasa kami. Binuhusan kami ng konting tubig ni Becca.

Nakangisi lang si Becca sa amin.

"BEST!" Sabay namin ni Hyacinth

"Ayaw niyo kasing bumangon. Yan! Napabangon ko na kayo. Pumunta na kayo sa CR at maligo na para makapasok na kayo sa trabaho. Bilis!" Becca

Nagtinginan kami ni Hyacinth tas humiga ulit sa kama.

"Ahhhh ganun? Gusto niyo ulit mabuhusan ng tubig? Hindi pa ba sapat yung kanina? Baka naman gusto niyo ng malamig na tubig?" Becca

Biglang bumangon si Hyacinth.

"NO! Wag yung malamig. Mainit lang best tas ihalo mo sa hindi masyadong malamig na tubig." Hyacinth

"Okay. Madali naman akong kausap eh. Magpapakulo lang ako ng tubig sa baba tas ibubuhos ko agad sa katawan niyo." Becca

"WAAAAAG!" Hyacinth

Bumaba si Hyacinth.

"Hindi effective yung mainit na tubig best?" Becca

"Hindi!" Ako

Tinago ko ang mukha ko sa kumot ko.

Tumunog naman ang phone ko at sinagot ni Becca.

"Hello best?" Becca

"Oi! Phone ko yan!" Ako

Hindi ako pinansin.

"Si Becca to." Becca

Si Emerald siguro yung tumawag. Sabi kasi ni Becca, hello best, eh.

Nagtaka siguro yun kung bakit wala pa kami ni Hyacinth sa ospital.

"Ewan ko sa dalawang to. Kanina pa nasa higaan nila. Wala atang balak na bumangon." Becca

Bumaba na kaya si Hyacinth.

"Love sick.. ARAY!" Becca

Anong love sick?

Binato ko siya ng unan kaya siya napa-aray.

"Hoy ano ba? Ang sakit ah!" Becca

Reklamo niya.

"Anong pinagsasabi mong love sick?" Ako

Hinampas ko sa kanya ang unan ko.

"Aray! Ang sakit best! Alam mo namang payat ako! Masakit best!" Becca

"Masakit pala? Eto pa oh! Yan! Yan!" Ako

"Waaaaaaaaah! Tulungan niyo ako! Waaaaaah!" Becca

Bigla namang pumasok si Jennifer sa kwarto namin.

"Bakit? Anong nangyari?" Jennifer

"Tulungan mo ako best! Papatayin ako ni best Queen! Waaaaah!" Becca

He's Mine. She's Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon