Chapter 34: Changes

111 7 0
                                    

Rebecca's POV

"Ano na? Last JS Prom na natin ito. Magdecide na kayo kung pupunta ba tayo. Kasi kung hindi kayo pupunta, hindi na rin ako pupunta pero kung pupunta kayo, pupunta ako syempre. One for all, all for one tayo eh." Ako

"Hindi ako pupunta." Jennifer

"Ako rin." Hyacinth

"Lalo na ako." Nicole

"Same here." Queenie

"Ahy? Ganun?" Ako

Natigil ang usapan namin nang tawagin ako ni Ms. Lei.

"Rebecca!" Ms. Lei

"Yes ma'am?" Ako

"Kailangan mong pumunta sa JS Prom kasi may babasahin ka dun!" Ms. Lei

What?

"O-okay po." Ako

Umupo ako.

"Oh no!" Ako

"Pano na ang one for all, all for one mo best?" Queenie

"Punta na lang tayo. Please. Wag niyo naman akong hayaang pumunta dun na mag-isa." Ako

"Pag-iisipan ko." Queenie

"Ako rin." Nicole

"Wag niyo ng isipin yun. Punta na tayo sa JS." Ako

"Pano kung?" Jennifer

"Hayaan niyo na yung mga yun! Please. Kung magkakasalubungan kayo, wag niyo na lang pansinin." Ako

"Sige na nga!" Queenie

"Pasalamat ka best at hindi ka namin matiis." Hyacinth

"Yey!" Ako

Nagsilabasan na kami sa classroom namin.

Nakita namin ang mga kaibigan naming lalaki kasama ang mga kaklase nilang babae.

Nasanay na kami sa kanila.

Na iba na ang kasama nila at hindi na kami ang kasama nila.

Naiintindihan ko naman sila kung bakit sila sumasama sa iba lalo na sa mga babae. Maybe gusto lang nilang makalimutan kami lalo na sina Kim, Jack, Oliver at Christopher na gustong makalimutan ang mga bestfriend ko na naging girlfriend nila. Maybe gusto nilang paselosin ang mga kaibigan ko. Hindi ko alam. Opinion ko lang naman yun.

Oo. Break na sila. Tapos na ang relationship nila sa isa't-isa. Nakipagbreak ang mga bestfriend ko after nung nangyari sa park. Ayaw na daw muna nilang makipagboyfriend kasi lagi silang sinasaktan. Sinabihan ko sila na part yun sa isang relasyon, ang masaktan ka. Hindi ko alam pero nakapagdesisyon silang hiwalayan sila na ang alam ko ay mahal na mahal rin naman nila. Wala na akong nagawa kasi desisyon na nila yun at sila ang may alam sa feelings nila. Pero kung sila talaga para sa isa't isa, magkakabalikan sila in the future. Mga bata pa naman kami at may panahon para sa mga bagay na yun. Pero kung hindi sila meant to be, wala na tayong magagawa kasi yun talaga ang tadhana nila.

Ganyan talaga ang buhay. Mga pagsubok lang yun. May mga magagandang plano si God para sa atin kaya magtiwala tayo kay God.

"Tara na!" Hyacinth

"Best Becca!" Nicole

Natigil ako sa pag-iisip nang tawagin nila ako.

"Oo." Ako

Naglakad na kami palabas ng campus.

Simula nung naghiwalay sila, humingi ng favor ang mga bestfriend ko na wag ng lapitan pa ang mga kaibigan naming lalaki. Nung una, hindi ako pumayag kasi kaibigan ko na rin sila pero pinilit nila ako kaya sa huli napapayag nila ako. Pero minsan, pag nakakasalubong ko silang mga lalaki, kinakausap ko naman sila pero saglit lang kasi pag nakita ako ng bestfriends ko, syempre magtatampo sila sa akin.

He's Mine. She's Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon