Chapter 55: Date

119 5 0
                                    

Author: Nakita ko lang ang picture na yan sa google. I'm sure edited lang yan. Hehe..




Rebecca's POV

Lumabas ako ng resort at pumunta sa malapit na dagat.

Monday na pero andito pa rin kami sa resort ni TJ. Nagleave daw kasi sila sa trabaho nila at wala dawng pasok si Chris this week kasi wala ang mga professors nila. Binigyan lang sila ng assignments kaya maswerte daw siya at nakasama siya.

Kailan ba kami uuwi?

Pumulot ako ng bato at binato sa dagat.

Umupo ako sa buhangin, pumulot ng bato at binato ulit sa dagat.

Hindi naman masyadong mainit ngayon.

Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko.

"May galit ka ba sa dagat? Kawawa naman ang dagat, binabato mo." TJ

Binabantayan niya ba ako?

"Binabantayan mo ba lahat ng kilos at kung saan ako pupunta?" Ako

Kung san kasi ako pupunta, nandun siya.

Umupo siya sa tabi ko.

"Ang aga-aga, galit ka na." TJ

"Nagtatanong lang po." Ako

Ngumiti siya.

Napaiwas ako ng tingin.

"Sinabi ko na sayo, sinusundan kita to make sure na safe ka." TJ

"Nag-iingat naman ako eh." Ako

"Baka maulit yung noon. Alam mo namang maganda ka kaya maraming magkakainteres sayo." TJ

Biglang tumindig amg balahibo ko.

"Nakakatakot ka naman." Ako

"Nagsasabi lang ako ng totoo." TJ

Humarap ulit ako sa dagat at yumuko.

Nagulat ako sa nakita ko sa buhangin at napatingin kay TJ.

May nakasulat kasi sa buhangin.

Rebecca Desiree Torres Villanueva♡

Ngumisi siya.

Nagwawala na naman ang puso ko pero kinilig ako.

Yumuko ulit ako at napangiti.

Kinuha ko ang maliit na stick at gumuhit sa buhangin ng smiley face sa baba ng pangalan ko.

Ramdan kong nakatingin siya sa akin pero hindi ko magawang tumingin sa kanya.

Bakit ko ba kasi ginuhitan ng smiley?

Mabilis akong tumayo at bumalik sa resort.

Bakit ko ba yun ginawa? Nakakainis naman eh!

Pagpasok ko sa resort.

"Napano ka best?" Queenie

"Hinihingal ka." Kim

"May humahabol ba sayo?" Ricco

"Hah? Wala wala!" Ako

Pumasok ako sa kwarto at humiga sa kama.

Kim's POV

"Kamusta kaya sina best Becca at Tristan?" Queenie

Nasa salas kami at nanonood ng Avengers.

"Nagkakamabutihan na yung dalawang yun." Jack

He's Mine. She's Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon