Nicole's POV
"Oo na! Papunta na ako jan! Ang kulit!" Ako
"Bilisan mo naman best!" Becca
"Ang kulit mo naman best eh! Sabi ng papunta na ako jan. I'm on my way na nga, okay?" Ako
"Ang bagal mo best! Para ka namang pagong kung maglakad." Becca
"Wow ah? Pagong talaga?" Ako
"Magandang pagong! Hihihi.." Becca
"Good! Dapat may maganda kasi yun ang katotohanan. Hahahaha.. Bakit ka ba nagmamadali eh ang haba pa naman ng break natin. Tsaka bakit mo ba kasi kinalimutan ang wallet mo?" Ako
"Gutom na nga kasi ako kaya ko nakalimutan ang wallet ko dahil sa pagmamadali. Baka maubusan rin ako ng chocolate cake. Ang sarap pa naman nun tas ang daming bumibili." Becca
"Oo na. Malapit na ako jan sa tambayan." Ako
"Okay. Bye! Love yah!" Becca
Tootootoot...
Call ended.
Hay naku! Eto talagang si best, minsan makakalimutin. Imbis na hindi ako magbebreak, mapapasama tuloy ako neto sa kanila.
Tanaw ko na ang tambayan pero hindi ko nakita si Becca. Wala siya dun. Saan naman napadpad yung best kong yun?
Pagdating ko sa tambayan.
"Becca naman eh! Niloloko mo ba ako? San ka na ba? Don't tell me hindi na talaga siya makapaghintay kaya pumunta na siya sa canteen? Pupuntahan ko pa ba siya sa canteen? Naku naman eh! Ahy bahala ka best! Babalik na ako sa room! Mangutang ka na muna." Ako
Nakasimangot akong humarap pabalik sa daan ng room namin.
"HAPPY BIRTHDAY NICOLE!"
Ang nakasimangot kong mukha, napalitan ng pagkagulat at saya.
Nakita ko ang mga kaibigan ko sa harap ko. Nakahawak ng cake si Becca. Nakangiti silang bumati sa akin.
Oo birthday ko ngayon, January 30 at parang wala lang sa akin ang araw nato. Para bang normal days lang sa aking buhay. Hindi ko inexpect na may surprise pala sila sa akin.
Lumapit sila sa akin.
"Make a wish then blow the candle." Becca
Sinunod ko naman ang sinabi niya. Pinikit ko ang mga mata ko at nagwish tapos hinipan ang kandila.
"Anong wish mo?" Ricco
"Secret." Ako
"Hindi dapat sinasabi ang mga wishes, Ricco para matupad talaga." Queenie
"Kaya pala hindi natutupad yung mga wishes ko kasi sinasabi ko sa iba." Kim
"Hindi naman yan totoo eh. Depende lang talaga yan sa wish mo. Syempre, ibibigay yan kung makakabuti sayo. Baka naman hindi nakakabuti sayo ang mga wish mo, Kim?" Christopher
"May point ka rin, Chris." Queenie
"Ewan ko? Nakalimutan ko na. Matagal na rin kasi yun. Hahaha.." Kim
Pagkatapos ng usapan, hiniwa na namin ang cake.
"Mocha my favorite!" Ako
Kumain na kami at nagkwentuhan.
Nag-alarm naman para sa next class.
Tumayo na kami para pumunta sa mga rooms namin.
"Thanks pala sa inyong lahat." Ako
BINABASA MO ANG
He's Mine. She's Mine.
Подростковая литератураSundan ang story ng mga magbabarkadang sina Rebecca, Queenie, Hyacinth, Jennifer, Nicole, Charilou, at Emerald kasama ang pitong nagagwapuhan na mga lalaki na sina Tristan, Kim, Christopher, Alex, Oliver, Jack, at Ricco.