Chapter 48: Was That A Confession?

149 4 0
                                    

Ricco's POV

"Tara sa apartment nila Mich. Mangungumusta tayo kung nahanap na ba nila si Becca." Ako

Agad namang tumayo sina Alex, Chris at Jack. Wala pa kasi sina Kim, Tristan at Oliver. Hindi pa nakauwi.

"Tara!" Sang-ayon nilang tatlo

"Hahaha.. Hindi halatang excited kayong makita sila. Hahaha.." Ako

Sumakay na kami sa kotse ko.

Pagkalabas namin ng gate namin, nakita naming naglalakad si Oliver kaya hininto ko ang kotse.

"Oliver! Tara sa apartment nila Mich. Sama ka?" Alex

Hindi na siya sumagot at sumakay na agad sa kotse.

"Excited rin!" Ako

Ngumisi lang si Oliver.

Nakarating na kami sa apartment nila.

Lumabas naman si Mich pagkatapos naming magdoorbell.

"Babe! Kayo pala!" Mich

"Makikibalita lang kami kay Becca, babe." Alex

Binuksan niya ang gate.

"Pumasok kayo. Hindi pa rin siya umuuwi dito." Mich

Pumasok na kami sa loob ng bahay at nakita naming nakaupo silang lima sa sofa na malungkot.

"Kagabi pa namin hinintay si best Becca." Mich

Umupo na rin kami sa sofa nila.

"Hindi pa ba tayo magrereport sa pulisya?" Jack

"Hihintayin na muna namin si Becca hanggang mamayang 12 midnight. Pag wala pa rin siya, saka na kami magrereport sa pulis at sasabihin sa mga magulang niya." Emerald

"Magtiwala lang tayo. Uuwi si Becca." Chris

Tristan's POV

Andito na ako sa bahay nila Becca.

Nasa loob na rin ako ng bahay nila kasi pinapasok ako ng mama niya.

"Andito po ba si Red?" Ako

"Oo nasa taas. Tatawagin ko lang ha?" Tita Sonia

Sabi na eh. Andito lang si Ree.

Umakyat siya sa taas kaya hinintay ko siya.

Nakabalik naman agad si tita Sonia.

"Natutulog siya TJ eh. Hintayin mo na lang na magising. Pwede ring sabihin ko na lang sa kanya na pumunta ka dito." Tita Sonia

"Hihintayin ko na lang po siyang magising tita." Ako

"Sige. Ikaw ang bahala." Tita Sonia

Dumating naman si kuya Blue.

"TJ? Napadalaw ka?" Kuya Blue

"Kakausapin ko lang po si Red." Ako

"Ahh.. Okay. Ang tagal na kitang hindi nakita ah?" Kuya Blue

"Oo nga TJ. Ngayon ka lang nakabalik dito. Pati yung iba niyong kaibigan na lalaki, hindi na pumupunta dito." Tita Sonia

"Pumupunta po ako dito pero palaging pong wala si Red at minsan naman walang tao dito." Ako

Tumango silang dalawa.

"Ma, san na ba si Red?" Kuya Blue

"Natutulog nga kasi." Tita Sonia

"Tulog mantika talaga. Ako na ang gigising sa kanya." Kuya Blue

He's Mine. She's Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon