Chapter 52: The Artist

130 5 0
                                    

Rebecca's POV

Sabado na ngayon at nasa bahay ako kasi pinauwi ako ni kuya Blue. May kailangan daw siyang sabihin sa amin.

"Ma, san na ba si kuya?" Ako

"Hindi ko nga rin alam eh. Ang sabi niya hintayin lang daw natin siya." Mama

After ng ilang minuto, dumating naman si kuya kasama si ate Princess.

"Kuya, what took you so long?" Ako

"Pasensya na. Traffic kasi." Kuya Blue

Tumango kaming tatlo nina mama at papa.

Umupo kaming lima sa sofa.

"So. Anong kailangan mong sabihin Blue?" Papa

Hinawakan ni kuya ang kamay ni ate Princess.

"Magpapakasal na po kami." Kuya Blue

Nagulat kaming tatlo pero napalitan naman ng ngiti.

"Kailan?" Papa

"Sa June po." Kuya Blue

June? Anong buwan na ba ngayon?

April? Malapit na.

"Sigurado na ba kayo jan?" Mama

Tumango silang dalawa.

Sabagay, matagal na silang dalawa. May mga trabaho na rin naman sila at kaya na nilang buhayin ang mga sarili nila.

"Sige. Next saturday, pupunta kami sa bahay ninyo Princess para pormal na hingin ang kamay mo sa mga magulang mo." Papa

"Sana lang wag niyo kaming kalimutan pag magkaanak na kayo." Mama

Nagtawanan kami sa sinabi ni mama.

"May forever sa inyong dalawa!" Ako

Tumawa silang dalawa.

"Kami meron. Ikaw? Bakit wala ka pa ring pangforever?" Kuya Blue

May nagdoorbell naman kaya ako na ang lumabas para tignan kung sino ang bisita.

Pagbukas ko ng gate.

"Hi mee!" TJ

Nagtaka naman ako kung bakit siya napunta sa bahay namin. Napansin naman niya.

"I just wanna see you." TJ

"Why?" Ako

"Pampagana sa pagpunta ko sa trabaho." TJ

"Ako? Pampagana? Mukha ba akong pagkain?" Ako

"Oo. Tingnan pa lang kita, busog na busog na ako." TJ

Tinawanan ko si TJ.

"Okay ka lang? Para kang baliw!" Ako

"Oo. Baliw ako. Baliw na baliw sayo." TJ

"Oo na lang. Pasok ka muna sa loob." Ako

Pumasok na kami sa loob. Napatingin sila sa amin.

"Eto na ang pangforever ni Red." Kuya Blue

Ngumisi si TJ.

"Anong pinagsasabi mo kuya?" Ako

Nagtawanan lang sila.

"Upo ka TJ." Papa

Umupo naman si TJ.

"Naparito ka TJ?" Mama

"Gusto ko lang makita si Red." TJ

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Seryoso? Yan din ang sabi niya sa akin kanina.

He's Mine. She's Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon