Chapter 12: Be Mine

202 7 2
                                    

Rebecca's POV

"Magkasunod lang pala birthday natin TJ. Isang skip lang sa akin." Ako

"Oo nga eh. Nagulat na lang kami nung nalaman naming birthday mo nung 27 tapos kasunod kay Tristan. Party na naman." Jack

Nasa mall kami sa food court. Dapat daw kasi magiinuman sila pero mamaya na lang daw pag nakauwi kami. Alam naman nilang hindi kami umiinom pag may pasok pa bukas. Umiinom kami ng alak pero konti lang. Ayaw kasi naming malasing.

"Becca, gusto mo ba ng icecream?" Alex

Kinalimutan namin yung nangyari kahapon. Wag na lang gawing big deal yun.

"Ako gusto ko!" Oliver

"Ikaw ba si Becca?" Alex

Nagtawanan naman kami.

"Bibili na lang ako ng para sa ating lahat." TJ

"Yun oh! Damot kasi ni Alex." Oliver

"Gusto kasing mapansin ni Becca." Jack

"Ulol!" Alex

Nagtawanan ulit kami.

"CR lang ako." Queenie

Umalis naman si Queenie.

Maya-maya lang.

"Punta lang akong CR." Kim

Umalis naman siya.

"Girls? Tara!" Nicole

Alam namin ang ibig niyang sabihin. Gusto na niyang malaman ang rason kung bakit masakit ang labi ni Becca na parang alam na namin kung bakit.

Tumayo kaming apat.

"San kayo pupunta?" TJ

"CR." Jennifer

Umalis naman kami.

Nasa labas pa kami ng CR, tinawag na namin si Queenie.

"Queen! Best!" Kami

Pumasok na kami sa CR.

"Best!" Ako

Lumabas naman siya sa isang cubicle.

"Teka lang. Gagamit na rin ako." Nicole

Papasok na sana si Nicole sa cubicle na ginamit ni Queenie pero pinigilan niya si Nicole.

"Wag jan!" Queenie

"Why?" Nicole

"Ah.. Sira yan. Ayaw magflash." Queenie

Lumipat naman si Nicole at nagCR na.

Paglabas niya pinakwento namin si Queenie.

"Di talaga ako makapaglihim sa inyo. Kilalang-kilala niyo ako." Queenie

"Dali na!" Hyacinth

"That was an accident." Queenie

"Ang ano?" Kami

"Yung ano..." Queenie

"What?" Kami

"Kiss." Queenie

"Kay?" Kami

"Kim." Queenie

"Kyaaaaaaaah!" Kami

"Tumahimik nga kayo!" Queenie

"Bakit? Anong nangyari?" Ako

"Ayaw niya kasing ibigay yung aklat na hinahanap ko. Tinaas niya para di ko maabot kaya kami natumba at ayun na nga ang nangyari." Queenie

He's Mine. She's Mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon