KABANATA 2

14.7K 323 4
                                    

AraDenielle
2015
all rights reserved



Alyana's Pov



gabi na at kelangan ko na namang dumiskarte.
kanina ko pa minaman-manan ang isang ale na may dala dalang itim na bag . wala ng pag-asa , gipit na talaga ako. kelangan na ko ng magnakaw para may maipambili lang ng gamot ang kapatid kong si Ana . wala naman kase akong mahanap na trabaho kundi ito lang. kesa magpokpok sa beerhouse , mas sisikmurain kona lang ang pagnanakaw kesa magbenta ng laman.




ng tumawid ang ale malapit sa may eskinita ,dali-dali ko ng sunundan at mabilis akong kumilos at nakuha agad ang bag . sa kabiglaan ng ale hindi agad ito nakasigaw kaya binilisan ko lalo ang pagtakbo . narinig ko pa ang malakas kumosyon ng mga nagkakagulong mga tao mula sa malayo .





"magnanakaw!!" hysterical na nagsisigaw ang ale na ninakawan ko ng bag .




"patawad,"
bulong ko sa sarili ko . kelangan ko lang ng pera . nahihirapan na ang kapatid ko at kung magpapatumpik tumpik pa ko baka mag-isa na lang talaga akong maiwan sa mundo .
nangako ako sa puntod ng aming mga magulang na hindi ko pababayaan si ana . sya na lang ang pamilya ko . dahil kahit kelan hindi naman kame itinuring na pamilya ng aming tiyuhin .




****


ng makarating sa bahay , dali-dali kong binuksan ang bag . halos hindi ako magkandatuto sa pagbuklat ng wallet nung ale . nagningning ang mga mata ko ng mahawakan ito, dalawang libo ang laman .



"ayos na to , makakabili na ko ng gamot at pagkain namen ." kanina pa kase ako nagugutom . ibinulsa ko ang pera at sinilip muna si ana sa papag na kinahihigaan nito. payapa pa rin itong natutulog , lumabas ako ng bahay at nagsimula ng maglakad papunta sa botika.




nilakad ko na lang tutal malapit lang naman ,sayang din kase ang pamasahe . nadadaanan ko pa yung mga tambay na manginginom sa lugar namen .sumigaw si mang nestor ang hari ng mga siga sa lugar ng quiapo .




"alyana tumagay ka muna", alok nito sa akin. habang inaabot ang isang baso na naglalaman ng alak .umiling ako bagi ngumiti,




"naku' hindi na ho mang nestor , kelangan kong magmadali , hindi pa kase nakakainom ng gamot si ana. "




kahit siga ito , mabait naman sa aming magkapatid si mang nestor . eto lang ata ang nag aalala sa amin, dati kase tinulungan ito ni tatay nung muntik ng mapatay . kaya parang nagka-utang na loob ito .




ng makarating ako sa botika ,bumili na ako ng gamot . bumili na rin ng pagkaen sa palengke at nagsimula ng maglakad pauwi .madalas kaseng magkasakit si ana , na ipinagtataka ko rin . hindi naman kase ito dating ganito . kumakailan lang ngyari .parang nghihina ito at minsan dumudugo ang ilong . hindi ko naman maipacheck up kase wala kameng pera . sumasideline lang ako bilang isang mandurugas para masuportahan ang pang araw-araw nameng pangangailangan. mag iinarte pa ba ako?




ginising ko si ana para kumaen at makainom ng gamot . tinitigan ko ang aking  kapatid habang kumakaen ,naaawa ako para dito , sampong taong gulang pa lang ang kapatid ko at at ako naman ay bente anyos na. pero danas na danas nameng magkapatid ang kahirapan ,




ngumiti si anan sa akin .



"bakit ate ?" nagtatakang tanong nito.




napakunot ang noo ko.



"anong bakit?"



"e kase hindi ka kumakaen ate , tinititigan mo lang ako ."



"may masakit pa ba sayo?" nag aalalang tanong ko. hinimas ko ang ulo nito at ginulo ang buhok , umangal ito bigla sa ginawa ko.




"ate naman !. mahirap suklayin yang buhok ko ha"




"sige na ubusin mo na yan tapos inumin mo tong gamot , matulog na tayo pagkatapos ."



dali dali nitong inubos ang pagkaen at ininom ang gamot. iiling iling lang ako habang pinagmamasdan ang kapatid na nahihiga na ulit sa papag . iniligpit ko ang gamit at tsaka tumabi sa kapatid . niyakap ko sya ng mahigpit .




"ate sana sa susunod kama na ang bibilihin mo ha?" bulong nito sa akin habang nakapikit ang mga mata.




"bakit ayaw mo na ba dito sa higaan naten .? "



"antigas kaya"



napatawa ako sa sinabi nito. "oo ana pangako ," hinalikan ko ito sa pisngi , ngumiti ako at pumikit na rin .



another day for tomorrow ,i guess


SHE'S DANGEROUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon