KABANATA 18

9.6K 225 3
                                    

AraDenielle
2015
all rights reserved


Alyana's Pov


"ate ...." nanghihinang tawag sa akin ng
kapatid ko ..




"andito na ako ana . wag ka ng malungkot . aalagaan na kita ." ngumiti ako sa kay ana.



"gusto ko ng magpahinga ate ."



umiyak na ako ng tuluyan.


"sorry ana . wala akong nagawa ."


namalisbis ang mga luha ng walang patid sa aking mga mata.



"wag ka ng umiyak ate . , ayokong makita kang nalulungkot." itinaas nito ang kamay at pinahid ang mga luha ko .
mahal na mahal ko ito .
si ana na lang ang natitirang nagmamahal sa akin .
wala na akong pamilya .
wala ng kukupkop pa ! .



"ma-mahal na mahal kita ana, please . lumaban ka para sa'ken ." sa gitna ng aking paghikbi pinilit kong magpakatatag .hinawakan ko ang mga kamay nito .ayaw kong mawala si ana .



dyos ko , wag po ang kapatid ko .



"ate gusto ko ng umuwi .pwede na ba tayong umuwe sa bahay?"



"oo ,iuuwe na kita , pero magpahinga ka muna ha, sige na ana .. " ipinikit na nito ang mga mata at unti unting nakatulog .



binalingan ko ang akinh kaibigan .
yumakap dito at nag iyakan na kame pareho .



"alyana tigilan mo na to , kelangan ka ng kapatid mo ." ani ni claire habang inilalayo ang ako sa kanya.



"sasabihin ko na kay troy ang lahat."



"pero paano ang tiyuhin mo?"



"pakikiusapan ko sya na babayaran ko na lang ang lahat ng nagastos nya kay ana ...
bahala na claire ."



"bakit hindi ka huminge ng tulong kay Troy De Silva? sabihin mo ang totoo na dahil kay ana kaya mo nagawa lahat ng ito." suhestyon ng kaibigan .




napailing lang ako.




"ayoko ng idamay pa dito si troy , "



napahinga lang ng malalim ang kaibigan ko.




pumasok ang personal doctor na kinuha ng tiyuhan ko para sa kapatid .




"dok , ano po bang totoong kalagayan ng kapatid ko?" . lakas loob kong tanong.




"tatapatin na kita Ms.Perez , malala na ang kapatid mo , hindi malayong ilang araw o linggo na lang ang itatagal nya . pwede ring bwan kong makakayanan pa ng katawan nya. ginawa na namen ang lahat pero kumalat na ang cancer sa dugo nya. mas mabuti kung iuuwe nyu na lang sya at makalanghap ng sariwang hangin. mas makakabuti yun sa kanya. "




para akong kandila na unti unting nauupos .
marami pang sinabi ang doktor pero wala na kong naintindihan .


ang kaibigan ko na lang ang sumasagot sa mga tanong ng doktor.
nahihilo na ako sa mga ngyayari .




"alyana ..."
dahan dahan itong yumakap at hinagod ang likod ko. mabuti na lang nandyan ang kaibigan ko para dumamay sa amin.
wala na akong maiiyak . tuyo na ang aking mga mata at namamanhid na sa sobrang kalungkutan.



****


bumukas ang pintuan at iniluwa ang taong kinasusuklaman ko.
wala rin itong nagawa sa kundisyon ni ana.
hindi ko ibibigay ang gusto ni tiyo Martin.




may pait at talim ang pagkakatitig ko dito.
parang wala lang sa tiyuhin ang mga ngyayari na napaka imposibleng hindi nito alam.




"nakuha mo na ba alyana?"





"wala akong dapat kuhanin . makakaalis ka na." matabang kong sagot .





nanlisik ang mga mata nito.
"may usapan tayo alyana! ipinagamot ko ang kapatid mo! may utang ka sa'ken. baka nakakalimutan mo.!"




"oo! ipinagamot mo nga sya pero mamamatay pa rin si ana! hindi na sya gagaling. para saan pa kung susundin kita .hindi na mabubuhay ang kapatid ko!" balik sigaw ko dito.
ansakit na ng ulo ko pero dumadagdag pa ito. mabuti na lang hindi sila maririnig ng bata kahit magsigawan pa sila.




"parang awa mo na tiyo martin . umalis ka na! wala ka ng mapapala sa 'ken." .
lumapit ako sa pinto para itaboy ang tiyuhin. "iuuwe ko na si ana at babayaran kita".
nagmatigas ako hindi ko pwedeng ipakita na pinanghihinaan na ako ng loob.




"magbabayad ka alyana sa ginawa mo," . nagsisigaw na ito sa galit




"umalis ka na tiyo.!"
nakaalalay na sa akin si claire.



nagbabanta ang mga mata nito habang palabas ng pintuan.
natatakot ako sa pwedeng gawin sa aming magkapatid ni tiyo. kilala ko ito . masamang tao ang binangga ko !

SHE'S DANGEROUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon