KABANATA 25

11K 260 6
                                    

AraDenielle
2015
all rights reserved

Alyana's Pov


apat na bwan na ang nakalilipas . halata na rin ang umbok sa tyan ko na sinadya kong itago sa kapatid ko , ayokong mag usisa pa si ana kung bakit lumalaki ang tyan ko .
mahinang mahina na ito . at nangayayat na ng todo . habang tinitingnan ko syang nakahiga sa kanyang higaan . gising ito pero hindi na halos nagsasalita . ang pinakamasakit na parte ng buhay ko . ang mawala ang isang tao na mahalaga sa akin na nagbabadya ng mawala .


tumabi ako sa kanya . ginagap ko ang kanyang palad . hinalikan sa pisngi para makuha ko ang atensyon nya .ayoko ng makita pa syang nahihirapan sa nahihirapang boses , nagsalita ang kapatid ko  na nagpaluha sa aking mga mata .

"ate pagod na pagod na ako ."

hindi ko napigilan ang aking emosyon at napaiyak na ko ng malakas sa harap nya . hindi ko na sya pipigilan . hindi na ko magsasabi pa ng lumaban sya para sa akin .
alam kong ito na ang hantungan . at hindi ko na iyon matatakasan pa .



"pwe-de mo ba akong kantahan a-ate ? hanggang sa makatulog ako?" .. nakatitig sya sa aking mga mata at unti unting pumipikit .para na kong nauupos na kandila sa sinabi ni ana . hinamig ko ang aking sarili at nagsimula ng kumanta .


halos hindi ko mabigkas ang lyrics ng kinakanta ko .


pangako hindi kita iiwan

pangako di ka pababayaan

pangako hindi ka na mag iisa

pangakong magmula ngayon ...

tayong dalawa ....

ang magkasama ...



sabay sa pagtapos ng aking kanta ang syang pagbitaw ng kamay ni ana na hawak hawak ko ..


"anaaa......" sigaw ko.

hindi ko na mapigilan ang emosyon ko . yakap yakap ko sya habang humahagulhol .


"sorry ana . im so sorry .. hayaan mo magiging masaya ka na at makakasama mo na sila nanay . sory kung hindi ko natupad ang pangako ko na tatanda tayong magkasama . sorry kung wala akong nagawa para mabuhay ka. sorry kung hindi ko na nadugtungan pa ang buhay mo ."


mga salitang hindi na maririnig pa ni ana . walang tigil ang luha sa aking mga mata . walang patid ang sakit sa aking pagkatao . lahat sila iniwan na ako . lahat sila bumigay na sa pagkakahawak ko . kahit anong higpit ang aking gawin pagkapit dumadating pa rin ang oras na sila mismo ang kumakalas sa mga kamay ko .


napalingon ako ng bumukas ang pintuan . si claire .. ang aking nag iisang kaibigan ..
lumapit sya sa akin at niyakap ako . lalo akong naiyak sa ginawa nyang pag aalo sa akin .



"hindi na sya mahihirapan alyana . magiging masaya na sya sa piling ng iyong pamilya ."


"hi-hindi ko na kaya claire." pabulong na sabi ko . parang may bumikig sa aking lalamunan .


"sshhhh ... wag kang magsalita ng ganyan .. andyan pa ang anak mo . ako . kame ang pamilya mo . lakasan mo ang loob mo alyana. marami ka ng pinagdaanan . ngayon ka pa ba susuko?"..


"claire ... dyos ko bakit ako pinahihirapan ng ganito .."



"may dahilan ang nasa itaas . kaya magpakatatag ka ."


yumakap ako sa kanya at parang batang nagsumiksik sa balikat nya. ayoko ng umiyak . ayoko ng masaktan pa . kelangan ako ng magiging anak ko . para sa kanya ... kahit para sa kanya na lang magpapakatatag ako ...



****

hindi ko na pinagtagal pa ang libing ni ana . ayoko ng paulit ulit na umiyak na alam kong ikalulungkot lang ng kapatid ko kung nakikita nya ako .
maayos ang naging libing pero hindi nakapunta ang pamilya ni claire . mas minabuti nila ang hindi pumunta para na rin sa kapakanan ko ,
pabalik balik daw kase ang mga tauhan ng tiyuhin ko sa lugar nila . pinaghahahanap daw ito ng mga pulis pero nakatakas na syang ikinababahala ko .



kilala ko si tiyo at siguradong gagantihan nya ako . hindi maaring madamay ang bata sa sinapupunan ko ..



napatingala ako sa langit . mukha ng nakangiting si ana ang aking nakikita .


paalam ana ...

SHE'S DANGEROUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon