AraDanielle
2015
all rights reserved
Alyana's Pov
pagsok ko sa silid ng kapatid ang tiyo Martin agad ang bumungad sa akin.
natutulog pa si ana , pero nasan si claire?
"kung hinahanap mo ang kaibigan mo pinauwe ko muna . babalik na lang daw sya mamayang gabi ."
hindi ako umimik .
sinundan ako ng tingin ng tiyo
martin ko habang papalapit sa kinahihigaan ni ana. humalik sa pisngi at naupo sa tabi nito .
"kumusta na ang plano alyana? nakuha mo na ba?" tanong nito .
"hindi pa,"
"wag mong kalilimutan ang usapan alyana , may utang ka sa akin . at kailangan mong makuha ang mga dokumento sa lalong madaling panahon .
"alam ko tiyo at hindi ko nakakalimutan yun ."
nagagalit ako dito dahil kelangan pang ulit ulitin sa akin.
hindi ako bingi at mas lalong hindi naman ako tanga .
"doon na ko titira kay troy,"
ngumiti ito ng may halong tagumpay!. na lalo ko lang ikinainis.
"pumayag ka ba?"
hindi ko sana gusto ang ideyang pagTira sa bahay ni troy , dahil kapalit ng buhay Ng kapatid ko ay pagkamuhi naman sa akin ng taong nagkakaron na ng puwang sa puso ko .
"oo tiyo . kaya kayo na muna sana ang bahala kay ana . gagawin ko inuutos nyo basta tuparin nyo ang pangako na susuportahaN ang gamutan ng kapatid ko".
isinandal ko ang ulo at tumitig
sa kisame .
"aalis na ko alyana . balitaan mo ako kaagad oras na makuha mo na ang mga dokumeto. " tumayo na ito at lumabas ng pintuan .
nagsimula ng magbagsakan ang aking mga luha .
kung hindi ko ito ilalabas baka sumabog na talaga ako sa sobrang sama ng loob .
walang tigil ang pag agos ng aking mga luha .
gusto kong sisihin ang nasa itaas kung bakit ako binibigyan ng pagsubok na hindi ko alam kong kakayanin ko pa.
hindi na ako makahinga sa kaiiyak .
nadatnan pa ako ng matalik na kaibigan na umiiyak .
nabitawan pa nito ang hawak na palstic bag at dinaluhan ako kaagad nito.
yumakap ako ng mahigpit dito at hinayaan na bumalong pa ang aking mga luha .
wala na akng pamilya na masasandalan kung hindi ang kaibigan lang na palage akong nauunawaan .
kumalas ako sa dalaga at pinunasan ang mga luha.
naghilamos na rin ako ng mukha bago magising ang kapatid ko .
"claire ikaw na muna ang bahala kay ana" . malungkot kong ibinalita sa kaibigan ang biglaang pagtira sa bahay ni troy . inunawa na lang ako nito.
"wag kang mag alala friend ako ang bahala kay ana."
"salamat talagA "
"wala yun basta ba papasalubungan mo ko ng poging fafa."
napatawa ako sa ginawi ng kaibigan .
nagmulat ng mata ang kapatid ko. nagising siguro sa ingay namen.kelangan ko nG magpaalam sa nakababaTang kapatid .
pinakaen at pinagsilbihan ko muna si ana.bago sabihin ang balak na pag alis . tuwang tuwa naman ito sa mga pasalubong na dala ko.
"ana , aalis muna si ate ha? " umpisa ko sa kapatid .
"san ka pupunta ate.?" ibinaba nito ang laruan . nalungkot taLaga ito sa sinabi ko. kitang kita ko ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng mata nito .
"kelangan ko kaseng magtrabaho para may pampagamot ka." pumiyok ako sa huling sinabi ko . ang hirap kaseng magsinungaling . dalawang tao ang niloloko ko. una si troy., ngayon naman si ana .
umiyak na ito , napaiyak na rin ako.
"ana para rin naman sayo ang gagawin ng ate alyana mo ." malumanay na pagpapaliwanag ng kaibigan ko.
"pero hindi sya dapat aalis kung hindi ako nagkasakit di'ba?"
ngumiti ako at hinawakan ang magkabilang pisngi ni ana , pinahid ko ang mga luha sa mata ng kapatid ko .
"tumahan ka na ,ok? promise palage akong dadalaw dito ." pangako ko.
"malayo ba yun ate?".
"medyo. kaya dapat kakain ka ng marami at iinom ng gamot ha? "
"oo ate , para hindi ka na umalis at magtrabaho sa malayo ."
nagyakapan kameng tatlo . aantayin ko munang matulog ulit si ana bago umuwi .
****
authors note :
pasensya na po kung napapangitan kayo .
BINABASA MO ANG
SHE'S DANGEROUS
General FictionSi Alyana Perez, dalagang lumaki sa kahirapan at itinuturing na latak ng lipunan . lahat papasukin nya, kahit anong trabaho para lang sa nag iisa nyang kapatid . maisalba lang ito sa sakit na leukemia . inutusan sya at binayaran para nakawin ang fi...