AraDenielle
2015
all rights reserved
Alyana's Pov
unti-unti kong iminulat ang aking mga mata . sa una anag-ag lang ang aking nakikita . malabo lahat . ipinikit ko ulit ang aking mata atsaka dumilat . paulit ulit hanggang sa maging malinaw na ang lahat ..
puro puti ang aking nakikita .
iniikot ko ang aking paningin sa paligid .
hindi ako pamilyar sa lugar .
asan ba ako?
dumako ang aking mga mata sa taong nakayuko at natutulog sa aking tabi .
si Troy .
napasapo ako sa ulo . tsaka pa lang nag sink in sa utak ko lahat ng mga ngyari. nagflash back ito sa utak ko . simula ng mabaril ako ni tiyo martin .
oh my god !
ibig sabihin buhay pa ako?
kinurot ko ang aking sarili dahil baka nasa langit na pala ako ng hindi ko alam .
"ouch".
buhay pa nga ako . sumilay ang magandang ngiti sa aking labi .
naglandas ang aking mga luha at sa nanginginig kong kamay .hinaplos ko ang pisngi ni troy . ang aking pinakamamahal . god gave me another chance to leave ..na makasama pa ang mga mahahalagang tao sa buhay ko . pinahid ko ang basa kong mukha . pinaglandas ko ang aking daliri .mula sa mata , ilong at labi ni troy . naalimpungatan ito ng dahil sa ginawa ko .
para itong natuka ng ahas at biglang napaangat . titig na titig sa akin na parang hindi makapaniwala . hinawakan pa nito ang pisngi ko para makasiguradong hindi panaginip lang na nakikita nitong gising na ako .
"alyana ...." tawag nya sa akin ..
tumango ako .
"totoo nga . hindi ako nananaginip lang . gising ka na nga ..akala ko iiwan mo na ko . akala ko hindi ka na magigising .". pinupog ako nito ng halik sa bawat parte ng aking mukha . at pinagdikit ang aming mga noo .
"akala ko hindi ko na kayo makikita .. " napaiyak na naman ako . ang babaw lang talaga ng luha ko . niyakap ko na sya at ako na ang unang humalik sa kanya . para kameng matagal na hindi nagkita at sabik na sabik ako sa kanya .habol ang hininga namen ng maghiwalay ang aming labi .
"ilang araw na ba ako dito ?" tanong ko sa kanya .
"no love ,, hindi araw . kundi inabot ka ng halos magdadalawang bwan . tingnan mo . ang payat mo na dahil puro dextros lang ang nagbibigay ng food suplement sayo. "
hindi ako makapaniwala . ganun na ako katagal natulog ? . parang kanina lang ngyari ng mabaril ako . akala ko mamamatay na ko pero mabait pa rin ang nasa itaas sa akin at hindi nya hinayaang malungkot ang mga mahal ko sa buhay na maiiwan .
"nasaan si althea?". hindi ko kase nakikita ang anak ko . bakit wala ito dito at hindi kasama ng ama nya .
"nasa bahay . dumadalaw lang sya dito . palage nya lang akong kinukulit kung bakit daw antagal mo namang matulog . kaya hindi ko sya pinapatulog dito ." natawa na lang ako . napakakulit talaga ng batang yun .
kinintalan ako ulit nito ng halik sa labi . nasundan ko na lang ito ng tingin ng sumilip ito sa pinto para utusan ang bodyguards nito na tawagin ang doctor dahil gising na ako .
hindi naman ito nagtagal at bumalik din agad sa tabi ko .
"how are you feelin love? may masakit pa ba sayo?"
BINABASA MO ANG
SHE'S DANGEROUS
General FictionSi Alyana Perez, dalagang lumaki sa kahirapan at itinuturing na latak ng lipunan . lahat papasukin nya, kahit anong trabaho para lang sa nag iisa nyang kapatid . maisalba lang ito sa sakit na leukemia . inutusan sya at binayaran para nakawin ang fi...