KABANATA 5

11.7K 250 2
                                    

AraDenielle
2015
all rights reserved



Alyana's Pov


masamang masama ang loob ko sa mga ngyayari . namumugto na ang mga mata ko sa kaiiyak parang walang katapusan ang problema namen,
iniwan ko muna ang kapatid ko sa ospital kasama ni mang nestor at ng asawa nito .



hindi ko  na rin nabigyan ng pansin yung sasakyan na muntik ng makasagasa sa akin.
basta iyak lang ako ng iyak .
kelangan kong makakuha ng pera sa lalong madaling panahon .hindi pwedeng mamatay ang kapatid ko!.


nadatnan ko ang tiyuhin  ko na nakaupo sa sala .
sinamaan ko agad ito ng tingin .
ano naman kayang kelangan nito at napasugod pa sa bahay ko.wala nga itong pakialam sa amin. ni hindi man lang nito nagawang masilip kameng magkapatid ng mamatay ang aming ina.



malademonyong ngisi ang nakuha kong sagot mula dito .




"anong ginagawa nyo dito?" tanong ko na hindi man lang lumapit sa kanya .




"wala na ba akong karapatan na pumunta dito? pinasasama mo naman ata ang loob ko alyana," ngumisi ito ng mas malapad . kinilabutan tuloy ako sa paraan ng pagngiting yun .



"sabihin nyo na ang kelangan nyo , kelangan ko pang bumalik sa ospital .



nglagay ako ng mga damit ng kapatid ko sa isang bag . balak kong dalhan ito ng gamit . hindi ko alam kung hanggang kelan mailalagi ang kapatid ko sa ospital .



"yun nga ang dahilan kung bakit ako narito . "


marahas ang naging pagbaling ko sa kanya . alam kong may masama itong binabalak .



"ipapagamot ko ang kapatid mo" mahinahon nitong saad . prenteng nakaupo ito sa maliit na kahoy na upuan . pero kung titingnan mo daig pa nya ang isang demonyong nakaupo sa trono.



"anong kapalit? "



tumawa ito ng malakas.



"ganyan na ba talaga kasama ang tingin mo sa tiyuhin mo?" naghihinakit nitong tanong .




"sabihin mo na kung anong kapalit at makakaalis ka na ." pakitang tao ito , ni hindi man lang kame naalalang magkapatid, bakit ngayon pa kung kelan gipit  kame?. para mas ilublob pa ba lalo sa putikan ?


"ipagagamot ko ang kapatid mo , kapalit ng sarili mo alyana" seryoso ito habang nagsasalita . kinilabutan ako dito . anong klaseng tiyuhin ito , tutulong pero may kapalit !




kumunot ang noo ko.ano bang pinagsasa-sabi nito.




"meron lang kameng iuutos sayo . kelangan mong makapasok sa loob ng unit ni Troy De Silva . dun nakatago lahat ng files nya , inuuwi nya yun sa bahay nya . sila ang kalaban nameng kumpanya alyana . at ikaw ang gagamitin ko para makuha yun.
."




"naglalaman ang files na yun ng mga nakawan sa nakalipas na taon . kung makukuha mo yun . maabswelto kame kung sakali mang magdemanda ang mga de silva ." pagpapaliwanag nito.




"ha ! at sa tingin mo papayag ako? umalis ka na dito bago ko pa makalimutang kadugo kita ." hindi ko mapaniwalaan ang sinasabi nya . gusto nya akong isangkot sa mga taong ni hindi ko naman kilala .



"pag-isipan mo alyana . oras na pumayag ka ,magagamot agad ang kapatid mo ." pangungumbinsi nito sa akin.




tumayo ito at nag iwan ng isang tarheta sa lamesa bago dire-diretsong lumabas ng pintuan . napaiyak na ako sa sobrang inis
. hindi tulong ang inaalok nito dahil may kapalit .



binasa ko ang nakasulat , numero ng magaling nyang tiyuhin .




nanghihina akong napa upo .natatakot ako para sa kapatid at para na rin sa sarili ko.




pero lahat gagawin ko para kay ana . sa nag iisa kong kapatid .
nakabuo na ako ng desisyon. papayag na ko sa gusto ng tiyuhin kapalit ng kaligtasan ng taong mahal ko.




dinukot ko ang isang lumang cellphone sa bulsa ko at nagsimula ng idial ang numero ng taong kinamumuhian ko..

SHE'S DANGEROUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon