AraDenielle
2015
all rights reserved
Alyana's Pov
may bakas ng pagmamadali ang
paglalabas namen kay ana sa ospital..
may inarkila na syang sasakyan .
tatakas sila papuntang
probinsya .
sa mga kamag-anak ni claire .
nagmagandang loob ang
mag-asawa na doon kame manatili para sa kaligtasan nameng magkapatid .
mabuti at
walang tauhan ng tiyuhin ko
sa ospital dahil mahihirapan kamen tumakas pag nagkataon.hindi na nagtanong pa
ang doktor ..
napakiusapan na ito ni claire .
kaya wala ng naging problema.bumayahe na kame patungong
batangas .
ang tatay ni claire ang maghahatid sa kanila .
siguradong hindi madadamay ang pamilya nito dahil
wala namang alam na pwedeng
maging malapit sa amin sa lugar nila .
isa pa. wala ring magtatangkang
magsalita kung meron man.
walang kumakalaban sa ama ng
kaibigan ko .tulog pa ang kapatid ko ng
ilabas namen sa ospital .
hinaplos ko ang buhok nito
.. namumutla ang mga labi at
nakakalbo na rin ito .sa kanyang tAbi ay ang kaibigan .
"wag kang mag alala alyana hindi ko kayo iiwan . kung asan kayo doon din ako syempre . "
"salamat claire . utang ko sa inyo ang buhay namen ."
"sus wala yun . sino pa bang magtutulungan kung hindi tayo di ba?" .
"mas mapapabuti ang kapatid mo dun alyana . " ngumiti ang matanda. napakabait talaga ng mag ama .
pinangako ko sa sarili na
balang araw susuklian ko
ang mga kabaitang ito .
"matulog muna kayo . gigisingin ko na lang kayo kapag nasa batangas na tayo ."ipinikit ko na ang namamagang
mga mata .
gusto kong ipahinga ang sarili .
hindi lang ang tiyuhin ko ang tinatakasan ko ..
kundi pati na rin ang galit at poot ni troy .
pinigilan kong tumulo ang luha. at isinandal ang ulo sa
upuan ..mahal na mahal kita troy , patawarin mo sana ako .
*****
Troy's Pov
"dad kayo na ang bahala dito."
iniaabot ko ang brown envelope sa aking ama .
napamaang lang ito ."akala ko ba ikaw na ang bahala dito troy?"
"please dad , pinag aralan ko ng mabuti ang mga papeles . at inamin na rin ni Martin ang pakikipagsabwatan nya sa isa sa mga empleyado mo. " walang gana kong tugon .
"dahil ba ito sa pamangkin ni martin?"
nagulat ako sa inihayag nito .
nag iwas ako ng tingin.
nag kunyari na lang akong may binabasang papeles."alam ko na troy . pinaimbestigahan ko na si martin . ginagamit nya ang pamangkin para makalapit sayo. " lumapit ito sa tabi ko.
ayaw ko ng pag usapan pa si alyana . nasasaktan lang ako sa tuwing maririnig ang pangalan ng dalaga.
"mahal mo na ba sya anak?"
hindi ko na napigilan ang sarili .
napaiyak na ako sa harap ng ama ko.
kalalaki kong tao pero iyakin pagdating sa taong minamahal ."son , walang pagmamahal na hindi nasasaktan . tandaan mo yan !" umiiling lang ito habang pinagmamasdan ako .
tumunog ang telepono ni papa. .galit na galit ito habang may kausap .
"what is it dad?"
"nakatakas si martin ! wala na rin ang pamangkin nya ."
"damn ! siguradong magkasama sila ng magnanakaw nyang tiyuhin."
"hindi troy . hinahabol din ng tiyuhin nya si alyana.". i have to go son . "
pagpapaalam nito .
naglakad na ang ama ko palabas ng opisina .napasapo na lang ako sa noo.
"god ! what am i going to do ! damn life ."
...
naiistress na ako sa mga ngyayari.
hindi rin makapag concentrate sa trabaho . .
kailangan kong tawagan ang mga kaibigan . mababaliw na ako sa kaiisip .
BINABASA MO ANG
SHE'S DANGEROUS
General FictionSi Alyana Perez, dalagang lumaki sa kahirapan at itinuturing na latak ng lipunan . lahat papasukin nya, kahit anong trabaho para lang sa nag iisa nyang kapatid . maisalba lang ito sa sakit na leukemia . inutusan sya at binayaran para nakawin ang fi...