AraDenielle
2015
all rights reservedTroy's Pov
halos magkasabay kameng dumating ni Ram sa lumang gusali sa antipolo .
pag aari pa rin pala ito ng pamilya namen . inilibot ko ang aking paningin sa kapaligiran . masukal na ang paligid at halatang napabayaan na . maraming nagkalat na tauhan ni daddy . tinanguan ko ang mga ito .tumabi sa akin si Ram .
"sigurado bang wala ng mga galamay yang hayup na yan?" tanong nito sa akin . sa totoo lang hindi ko rin alam ang sagot dahil lahat ng atensyon ko ay na kay alyana sa tatlong araw na paglalagi ko sa ospital .
"hindi ko alam . pero mag ingat pa rin tayo . halika na sa loob ." yaya ko sa kanya .
parang tinatambol ang dibdib ko sa napipintong paghaharap namen ng tiyuhin ni alyana . nag alpasan lahat ng tinitimpi kong galit para dito . nakaalalay lang sa likod ko si ram .
nakaupo si martin sa silya at nakatali ang mga paa at kamay nito . nakangisi pa ito sa gawi namen at parang sadyang hinihintay ako ..
nagbaga ang mga mata ko pagkakita ko dito . naaalala ko ang kundisyon ni alyana dahil sa tiyuhin nito."hello Mr. De Silva . i bet nagluluksa ka na ngayon! patay na ba ang pamangkin ko? " tumawa ito ng malakas na syang ikinairita ko .
nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi nito .pinagdarasal p ba nito na mamatay na ang pamangkin?
"fuck you!"
sigaw ko . dinaklot ko ang buhok nito at iniharap sa akin . "bakit masaya ka ba sa ginawa mo? pwes para sabihin ko sayo hindi mo napuruhan si alyana! " .sinuntok ko ito sa mukha ng paulit ulit . napakawalang puso ng hayop na ito para pagtawanan pa ako ."gumaganti ka ba para sa traydor kong pamangkin? huwag kang mag alala troy . dahil papatayin ko sya ulit kapag nakatakas ako dito.!".
"e gago pala tong Hayop na to e! ." saad ni Ram na hindi napigilang sipain ang lalake.
"yan ... ay kung makakatakas ka pa . dahil ito na ang magiging libingan mo ! dito kita ibabaon." sabay tadyak ko sa sikmura nito . napaigik ito sa sakit at halos matumba na sa kinauupuan . hindi lang yan ang dapat nitong malasap . ipatitikim ko rin sa kanya ang impyernong nababagay para sa kanya .
iniumang ko ang dulo ng baril sa mukha nito.
tumawa lang ito ng malakas at dumura sa harap ko.ngumisi pa ito...
"bago mangyari yun Troy . ikaw muna ang papatayin ko." ang salitang binitawan nito ang naging hudyat para sana tapusin na ang walang kwentang buhay nito. bago ko kalabitin ang gatilyo .isang bala ang tumama sa balikat ko.
"shit ! ." mura ni Ram . alisto agad kame ng magsimula ng magpalitan ng putok ang mga tao sa labas.
"anong ngyayari? " tanong ko sa isa sa mga tauhan .
"sir . may mga nakapasok na mga armadong lalaki . "
nakipagpalitan kame ng putok sa mga di kilalang lalaki. ininda ko ang nagdurugong balikat kahit sumisigid na ang sakit.
napatakbo kame sa likod ng mga pader at naiwan si martin sa kinalalagyan nito.sapol ang isang lalake pagkatapos ko itong asintahin . nakatago ito sa itaas kung saan kame parehong nagtatago. napakarami ng mga ito. kung ganun pala ..marami pa ring galamay ang demonyong yun.
"putang ina ! nawala si martin !" sigaw ni Ram . tiningnan ko ito at wala na nga ito doon .
" damn !" . nakatakas ito ng hindi namen napapansin . nakalagan ito kaagad habang nakikipagpalitan kame ng putok .tumakbo ako palayo kay Ram kailangan ko itong hanapin . hindi pwedeng makatakas ito sa amin.
lumigid ako sa kabilang parte ng gusali . pero hindi ko ito makita . halos pagapang akong umuusad para hindi tamaan ng lumilipad na mga bala. nagtago ako sa likod ng lumang tangke kung saan hindi ako mapupuna .
umisod pa ako at malamig na dulo ng baril ang naramdaman ko sa likod ng ulo ko..
marahas akong bumaling sa kanya at nakatutok ang baril namen sa isat isa ."hindi ba sabi ko sayo papatayin kita troy? at isusunod ko sayo si alyana . pagkatapos ang anak nyo . para hindi ka malungkot sa impyerno. hahaha" para itong baliw na tumatawa . nasiraan na ata talaga nag bait . lalong uminit ang ulo ko sa sinabi nito . wala na itong idadamay pang iba . magkamatayan na kame dito.
"kung ganun . e di sabay na tayong mamatay !".
"mauna ka na sa imyerno troy. ikumusta mo na lang ako kay satanas." bago pa nito kalabitin ang gatilyo sa akin isang putok ang tumama sa ulo nito . bagsak ito sa lupa habang umaagos ang masaganang dugo .
nakita ko sa likod nito ang kaibigan ko at humahangos na tumakbo palapit sa akin . nanlalata ako sa panghihina . marami ng dugo ang nawawala sa akin .
"ok ka lang dude? " tumango ako bilang pag sang-ayon sa sinabi nya.
hinigit nito ang braso ko upang maalalayan . marami ng nagkalat na pulis at mga nakahundusay na duguang katawan .
narescue agad kame ng mga pulis . nakita ko si dad sa labas ng gusali kasama ang ibang pulis .save by the bell.
nagmamadali pa itong makalapit sa akin ng makita ang nagdurugong balikat ko.
nakita ko ang pag aalala sa mga mata nito ."im ok dad . malayo sa bituka to.". nakuha ko pang magbiro kahit parang mauubos na ata ang dugo ko.
"mabuti na lang nakarating kame kaagad. may nag tip sa amin na may mga armadong lalake ang papunta dito ." sabi nito.
"thanks dad. mamaya na kayo magkwento. dalhin nyo muna ako sa ospital ."
sumakay na ako sa sasakyan nito. si Ram sa sarili nitong kotse.
mula sa bintana nasilip ko pa ang walang buhay na katawan ni Martin na inilalabas na mula sa loob.napabuntunghininga ako. tapos na ang lahat alyana. naiganti na kita ..
""
BINABASA MO ANG
SHE'S DANGEROUS
General FictionSi Alyana Perez, dalagang lumaki sa kahirapan at itinuturing na latak ng lipunan . lahat papasukin nya, kahit anong trabaho para lang sa nag iisa nyang kapatid . maisalba lang ito sa sakit na leukemia . inutusan sya at binayaran para nakawin ang fi...