AraDenielle
2015
all rights reserved
Alyana's Pov
back to the present ...
"mommy ... " matinis nitong sigaw sa akin habang tumatakbo palapit sa pinto . kararating ko lang mula sa lugar kung saan ngtagpo ang landas namen ni troy .. niyakap ko ang anak ko at binuhat ito ..
"nagpakabait ka ba baby?"
"yes mommy ." humagikhik ito sa ginawa kong paghalik sa kanya . tatlong taon na si althea .. kamukhang kamukha ito ng kanyang ama . na palage nitong tinatanong kung nasaan at palage ko ring sinasagot na nasa malayong lugar . .
hindi sa ipinagdadamot ko ang bata kay troy pero sya na lang ang natitira sa akin . bakit kelangan pa nyang kunin? kung gusto nya ng anak . e di gumawa sya ng marami sa iba ..
"asan si tita ninang?" tanong ko sa kanya habang inilalapag ito sa sofa .
"naliligo po ."
bibong bibo ito sa edad na tatlo . nairaos namen sya ni claire kahit pano . sa tulong na rin ng nobyo nito .
"sabi ni tita ninang . susunduin daw sya ni daddy ninong "
"ohhh ..." siguradong magdadate ang dalawa .. hindi na talaga ako pinayagan na magtrabaho ng dalawa . sila na halos ang sumuporta sa amin ni althea . nahihiya pa rin ako sa ginawa nilang pag aako samen ng anak ko pero ngpumilit pa rin ang mga ito na ako na mismo ang mag alaga sa bata .
"hi there beautiful .." bati ng isang binata sa may pinto . nakatingin ito kay althea . ngumiti ako sa kanya at ngtatakbo si althea papunta dito . si Rene . ang boyfriend ni claire ..
"daddy ..... "". tili nito .."tita ninang .daddy is here na bilisan mo na po . ." sigaw nito ..
"oo eto na nga e... wag ka ngang tumili althea ansakit sa tenga ng boses mo e. " si claire habang lumalabas na ng silid .
lumabi ang anak ko na lalong nagpa cute sa itsura nito . makinis at maputi ito na namana ng anak ko sa akin pero lahat ng features nito sa mukha ay kay troy namana nito.
na lalong ngpapa alala sa akin SA nakaraan ..
napasimangot ako sa naisip .. mamaya ko na lang ikukwento kay claire pag uwe nito .
"alyana aalis na kame .. honey halika na .. tama na ang pagpapaganda dahil maganda ka na sa paningin ko .." pabirong turan ni rene sa katipan ..
"oo nga tita ninang maganda ka na po " .
BINABASA MO ANG
SHE'S DANGEROUS
General FictionSi Alyana Perez, dalagang lumaki sa kahirapan at itinuturing na latak ng lipunan . lahat papasukin nya, kahit anong trabaho para lang sa nag iisa nyang kapatid . maisalba lang ito sa sakit na leukemia . inutusan sya at binayaran para nakawin ang fi...