AraDenielle
2015
all rights reserved
Alyana's Pov
kagagaling ko lang sa isang clinic sa bayan . at 5 weeks na daw ang dinadala ko sabi ng doctor , mas minabuti ko ng magpacheck up para malaman kung anong nararapat para saken . dahil magiging single parents ako . magkakaron ako ng anak at walang magiging ama . ayoko ng madamay pa ang bata sa galit saken ng kanyang ama . tama ng ako na lang ang kapootan nya .
"pangako anak aalagaan kita at mamahalin higit pa sa buhay ko . poprotektahan kita sa mga taong gustong manakit saten ."
sabihin ko man o hindi sayong ama baka hindi ka rin nya tanggapin dahil kahit kelan hindi nya ko mapapatawad sa ginawa kong panloloko .
nakarating na ko sa bahay at dumiretso sa silid ni ana . gising na ito .nakatingin ito sa bintana at mukhang malalim ang iniisip . luminga ito sa akin ng maramdaman ang presensya ko sa paligid . masakit man isipin pero hindi ko na talaga magagawan pa ng paraan ang kanyang sakit . wala ng lunas . wala ng pag-asa pa..
lumapit ako sa kanya at umupo sa kama .
"anong iniisip mo ana?"
"napanaginipin ko sila nanay ate . nakangiti sila sa akin ."
umagos ang luha sa aking mga mata . wala ng katapusan ang sakit na nararamdaman ko . andaming mabibigat na ngyayari sa buhay ko . hindi na ba talaga to matatapos.
pinahid ko ang aking mga luha . at hinawakan ang pisngi nya .
"bakit napapagod ka na ba na kasama ang ate ha?" saad ko habang inaayos ang bonet nito sa ulo .
"gusto ko ng magpahinga ate " ngumiti sya sa akin . at parang mapupugto ang hininga ko sa pinipigil na muling pagbalong ng mga luha ko .
"ana ang gusto ko lumaban ka di ba? ayokong mawalan ng pag asa ."
"pero ate ayoko ng nahihirapan ka pa. pabigat lang ako sayo . " malungkot nitong turan sa akin sabay ngbaba ng tingin ..
"para sayo ana . hindi ako mahihirapan . hindi ka pabigat sa akin . ano ka ba? wag ka ngang magsalita ng ganyan . nangako ako kila nanay na aalagaan kita ."
"salamat ate .. i love you ate ."
"i love you too bunso ." parang pinipiga ang puso ko sa kalungkutan . habang pinagmamasdan ko si ana na iginugupo sa kanyang karamdaman hindi ko mapigilang magtanong sa sarili ko kung bakit ngyayari ito sa amin . ito na ba ang kabayaran sa lahat ng aking kasalanan . hindi ba talaga ako naging mabuting anak at kapatid?
napatingala ako sa itaas upang supilin ang napipintong pagdaloy ng aking mga luha . hindi man ako naging mabuting tao para sa iba . pero sa kapatid ko kahit pano nagawa ko ang responsibilidad na yun .
ang responsibilidad na dapat magulang ko ang gumagawa . namuhay kameng parang isang palaboy . may bahay pero ng uumit ng pera ng iba para lang makasurvive sa araw araw na dumaraan .
walang naging matinong trabaho . walang kamag anak na magmamalasakit at walang pamilyang gumagabay .
napakasakit isipin na parang naging hindi patas ang mundo sa paghusga sa mga katulad nameng maliit pa sa daga kung ituring .
isang bagay na kahit kelan hindi na mababago pa .katulad ko . lalaking walang buong pamilya ang anak ko .. walang ibang dadamay at magmamalasakit sa kanya kung hindi ako lang . na kanyang ina .
*****
authors note : nakakainis . nadedelete ang mga update ko . lageng putol? bat ganun watty?
BINABASA MO ANG
SHE'S DANGEROUS
General FictionSi Alyana Perez, dalagang lumaki sa kahirapan at itinuturing na latak ng lipunan . lahat papasukin nya, kahit anong trabaho para lang sa nag iisa nyang kapatid . maisalba lang ito sa sakit na leukemia . inutusan sya at binayaran para nakawin ang fi...