AraDenielle
2015
all rights reservedTroy's Pov
halos gumuho ang mundo ko when i saw alyana na dahan-dahang bumabagsak sa lupa . hindi ko alam kung bakit pero ang masasayang araw namen ay napalitan na lang ng kalungkutan .
sa dami ng isinakripisyo at hirap na pinagdaanan ng dalaga . heto sya at nakaratay na sa kama . pikit at hindi dumidilat . humihinga pero hindi gumigising . pilit nilalabanan ang kamatayan na sa kanya'y palageng parang aninong sumusunod .
she was in comatose .
hindi man direktang tumama ang bala sa puso nya , marAmi pa ring napinsala ang tinamo nyang sugat . napasapo ako sa mukha . nadudurog ang puso ko habang pinagmamasdan ang ina ng aking anak na halos tatlong araw ng nakahiga sa hospital bed . hindi ko na maasikaso pati anak namen o kahit ang hayup na tiyuhin nya na bumaril sa kanya .
ayokong iwan sya sa ganitong kalagayan .sinabi ng doctor na lumalaban pa rin ito kahit na posible o hindi man na magising pa si alyana. ayokong sukuan sya . tulad ng ginawa nyang hindi pagsuko at pagharap sa maraming problema ng sya lang mag isa .
tumulo ang luha sa aking mga mata . hindi ko na napigilan ang aking sarili . i can't stand and leave without her . muntik na sya sakeng mawala noon . ayoko ng tuluyan pang mawala sya sa akin ngayon . kaya heto ako . umaasa sa isang milagrong darating sa amin .
hinawakan ko ang kamay ni alyana..
"please love .. gumising ka . kung naririnig mo ako . lumaban ka . mahal na mahal kita . kailangan ka ng anak naten ."
bulong ko sa pagitan ng mga hikbi at mumunting halik na iginagawad ko sa kanyang mga kamay .sumilip si daddy sa pintuan at sinenyasan ako na sumunod sa kanya. hinalikan ko muna ang pisngi ni alyana at tsaka ako lumabas . nakita kong naghihintay ang aking ama sa kalapit na upuan . sinenyasan ko ang mga bodyguards na magbantay sa pintuan ng silid.
lumapit ako kay daddy ...
"nahuli na namen si martin . anak . idederetso..."
nag tagis ang mga bagang ko pagkarinig sa pangalan ng taong kinamumuhian ko.
"no dad . hayaan nyo munang kausapin ko sya bago nyo iturn over sa mga pulis ang hayup na yun. . " putol ko sa iba pang sasabihin sana ni daddy.
"anak huwag mong ilalagay sa mga kamay mo ang batas. hayaan mong sila ang magparusa sa kanya." hinawakan nito ang balikat ko para pakalmahin ako .kabilin bilinan ko sa kanila na iharap muna sa akin ang lalake bago ipaubaya sa mga pulis. alam kung magagalit si alyana kung sakaling gising ito at malamang ako mismo ang papatay sa tiyuhin nito. pero huli na .. hindi ko mapapatawad ang taong nanakit sa pinakamamahal kung babae. nag aagaw buhay si alyana ng dahil sa kanya . pano nito naatim na barilin ang sarili nitong kadugo? napakasama nyang tao . demonyo sya !
"tatawagan ko lang si claire dad para may magbantay kay alyana.."
tumango lang ito at ibinigay na sa akin ang address na pinagdalhan kay martin. alam ng lahat ang pinagdadaanan ko . ang sakit na tinitikis ko dahil sa ngyari kay alyana. may part din sa akin na sinisisi ko ang aking sarili kung bakit humantong sa trahedyang yun ang lahat . kung sana hindi ako nakampante na hindi gaganti ang tiyuhin nito at naipahuli at naikulong agad. hindi na sana umabot pa sa ganito ang lahat .
inilabas ko ang cellphone at idinial ang numero ni claire . gusto ko pa ring may magbantay dito habang wala ako . ayokong pag gising ni alyana wala itong makita na kahit isang kakilala . kung sakali mang magising ito ng wala ako ...
ayokong ipakita sa iba ang kahinaan ko . dahil isa lang nman ito at yun ay walang iba kung hindi si alyana ..
*****kaagad akong umalis ng dumating si claire . hindi na ito nagtanong pa kung bakit at saan ako pupunta . na ipinagpapasalamat ko dahil iginagalang nito ang pananahimik ko .
umuwi muna ako sa unit ko para kunin ang de kalibreng baril na itinago ko sa isang tiles sa floor . hindi ito mahahalata dahil ipinasadya ko talaga ang taguan na yun sa mismong kinalalagyang ng master bed ko.
isang bala lang ang kailangan ko para sa buhay na sisingilin ko. pero hindi dapat ako makampante . kaya dinala ko na rin ang maraming bala.
lumabas na ako ng unit ko at iniitsa ang baril sa passenger side na katabi ko.magtutuos na kame ng demonyo . mata sa mata . ngipin sa ngipin .hindi ako natatakot pumatay basta para sa mga taong mas mahalaga pa sa buhay ko.
tinawagan ko si ram para isama ito sa antipolo . kailangan ko ng makakasama sa lugar na yun . mahirap na . baka may mga tauhan pa pala ito sa labas at biglang sumugod sa pinagtaguan sa lalake ng ama ko.
nakatatlong ring lang ito at sumagot na agad sa kabilang linya .
"hello ram . get ready kailangan naten ng full loaded ngayon ."
"Man ! col ako dyan . ano tatapusin na ba naten ? "
sagot nito ."alam mo na ang plano di ba? sinabi ko na sayo . kapag ganitong pangyayari . alam mo na dapat ang gagawin . itetext ko sayo ang address ." . maasahan ito kahit saan . kahit anong oras hindi ito pumapalya .
"ok . sige . ihahanda ko na ang mga gamit ko ".
" fuck you !bilisan mo . ! " pinindot ko na ang end call bago pa humirit ito .
mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa antipolo .
***
authors note : iiihhh ... may nagbabasa pa ba nito? walang comment e...
BINABASA MO ANG
SHE'S DANGEROUS
General FictionSi Alyana Perez, dalagang lumaki sa kahirapan at itinuturing na latak ng lipunan . lahat papasukin nya, kahit anong trabaho para lang sa nag iisa nyang kapatid . maisalba lang ito sa sakit na leukemia . inutusan sya at binayaran para nakawin ang fi...