Chapter 2: Their Love Story

1.1K 42 4
                                    

Break time

Brylant POV

"Ano, Brylant? Solve na araw mo? Umagang-umaga, nakita mo 'yang love of your life mo." Pang-aasar ni Ben sa'kin. Loko 'to ah.

Porket nakita at nabangga ko si Savannah, wagas mang-asar. Kanina pa 'yan.

"Oo nga. Solve na ba? Ha, Brylant?" Dagdag ni Ken. Isa pa 'to. Nang-aasar din. Badtrip.

"Tumahimik nga kayo." Suway ko sa kanila. Nakakaasar. Pasalamat sila mahaba pasensya ko. Tss.

Ako nga pala si Brylant Jayden Soliven. 20 years old na ako. 3rd year college sa Kim University. Full Filipino ako.

May dalawa akong kapatid na lalaki na mas matanda sa'kin. Kaya bunso ako.

Sila Mark Ezekiel Soliven at Mark Lawrence Soliven. Ako lang ang hindi Mark sa'min dahil ako ang pinakapogi sa'ming tatlo.

'Yung babaeng nabangga ko kanina ay si Savannah Beatriz Yu. Saan kaya galing 'yung Savannah?

Si Savannah ay dating crush ko. Grade 7 ako at grade 5 siya nung nagkakikala kami. Nung una ko siyang nakita, nagka-crush na ako sa kanya. Hindi ko lang alam kung gano'n din ba siya sa'kin.

May tatlo akong kaibigan. 'Yung kaninang nang-aasar sa'kin ay sina Benjamin Michael Delos Reyes at si Kenrick Dylan Salazar. Si Xian Owen Fernandez.

Si Ben, nickname ni Benjamin, malakas mang-asar 'yan. Walang sinasanto. Kapatid, teacher, magulang, kaibigan at kahit hindi niya kilala o close, inaasar niya.

Si Ken naman, anak siya ng teacher dito sa Kim University, si Ma'am Salazar. Adviser dati ng grade 3, grade 4, grade 5 at ngayon, adviser si Ma'am Salazar ng grade 6.

Si Xian naman ay may kapatid sa 1st year college, lalaki. Kaibigan din yata ni Savannah 'yon.

Lahat kami may kapatid. Si Ben, panganay siya. 'Yung bunso ay babae, grade 9. 'Yung pangalawa naman ay babae din, 1st year college. Kaklase ni Savannah.

Si Ken naman, pangalawa. 'Yung bunso nila ay babae, grade 11. 'Yung panganay ay lalaki. Mas matanda siya kay Ken ng dalawang taon. Kapatid siya ng kaibigan ng ex ni Savannah.

Si Xian naman, pangalawa din. Tatlo silang magkakapatid. Lahat sila lalaki. 'Yung bunso nga ay 1st year college, kaibigan at kaklase din ni Savannah. 'Yung panganay naman ay mas matanda sa kanya ng tatlong taon.

"Brylant!" Napatigil ako nang isigaw ni Ben 'yung pangalan ko. Tumingin ako sa kanya.

"Kinakausap ka ni Bea Yu." Napatingin ako sa harap ko.

O____O

Bakit nandito si Savannah? Tumingin siya kay Ben. "Uh. Hindi po si Brylant. Si Kuya Ken po, pinapatawag po siya ni Ma'am Salazar." Sabi niya.

=____=

Masyadong magalang si Savannah. 'Yung tawag niya sa'kin at kay Ben ay 'yung pangalan lang namin. 'Yung tawag niya naman kay Xian at Ken ay Kuya Ken at Kuya Xian.

"Bakit daw?" Tanong ni Ken habang nakatingin sa kanya tapos tumayo. "Ewan ko. May sasabihin daw sa'yo si Ma'am Salazar." Sagot niya.

Tumingin si Ken kay Savannah. "Nasa'n ba si Ma'am Salazar?" Tanong niya. "Nasa faculty ng elementary department. Alis na ako. Bye." Lumakad na siya paalis.

Tumingin sa'min si Ken. "Puntahan ko lang si Mama." Tumango lang kami. Lumabas na siya sa canteen.

"Bakit gano'n? 'Yung tawag ni Bea Yu kay Ken at kay Xian ay Kuya. Tapos 'yung tawag sa'min ni Brylant ay pangalan lang namin? Bias ba siya?"

Living With My Ex And My Crush [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon