Chapter 26: Date (Part VII: Chance)

800 23 13
                                    

Bea's POV

Napaangat ako ng tingin nang may makita akong mga paa sa tapat ko. Si Brylant pala. Hindi ko ma-determine 'yung expression niya kasi para siyang malungkot na masaya.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ako sa kamay. So parang magka-holding hands kami. Tapos sinandal niya 'yung ulo niya sa balikat ko. Bigla namang bumilis 'yung tibok ng puso.

First time kong ma-experience 'yung ganitong lagay. Kasi dati hindi naman kami masyadong nalabas ni Kyan dahil hindi pa ako masyadong pinapayagan nun.

"Sav," Simula niya. Naramdan ko na mas lalong humigpit 'yung pagkakahawak ni Brylant sa kamay ko. "Hmm?"

"Sagutin mo ako ha. 'Yung totoo."

"S-sige."

"Ano ba talagang nararamdaman mo para sa'kin?"

Huminga ako nang malalim. "Hindi ko pa alam eh. Pero special ka para sa'kin. Hindi dahil lagi kang nandyan para sa'kin, hindi dahil lagi mo akong dinadamayan pag may problema ako, kundi dahil may nararamdaman na din ako para sa'yo. Pero hindi pa 'yun sapat para masabi ko na mahal na kita."

"Eh si Kyan?"

Huminga ako nang malalim. "Brylant alam mo naman 'di ba? Ilang beses ko na ding sinasabi sa'yo. Between you and Kyan, syempre mas matimbang pa rin si Kyan. Kasi alam mo naman na first love ko siya, first boyfriend, first heartbreak, almost first everything."

Bigla na naman pumasok sa isip ko 'yung plano ko. Final na 'yun. Lalayo muna ako sa kanilang dalawa para mas makapag-isip ako. Sobrang naguguluhan na talaga ako eh.

"Pero may chance ako?"

"Well, yes. Kasi gaya nga ng sabi ko, special ka para sa'kin."

May naramdaman ako na tumulo sa balikat ko kaya napatingin ako kay Brylant. Pero nagtaka ako kasi sa kanang balikat ko sya nakasandal eh sa kaliwang balikat ko naramdaman 'yung basa.

Kaya napatingala ako at naramdaman ko na mas lalong dumadami at lumalakas 'yung patak. So it means, naulan.

Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Brylant habang nakahawak pa rin siya sa kamay ko. "Brylant naulan na. Hindi pa ba tayo aalis dito?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Living With My Ex And My Crush [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon