Chapter 14: Embarassed

590 27 2
                                    

Bea POV

"...May tagos ka kaya pumunta ka na sa kwarto mo at mag-ayos." Bulong niya.

O____O

Shoot!

Automatic na napatakbo ako paakyat at papasok ng kwarto ko. Lumapit ako sa salamin at tiningnan 'yung tokong ko. Shoot. May tagos nga.

Argh! Bakit si Brylant pa 'yung nakakita? Naman! Shoot. Wala pala akong napkin na dala. Naubos tapos hindi pa ako nakakabili. Waaaaa! Malas!

"Sav! Okay ka lang?! May dala ka ba?!" Narinig kong sabi ni Brylant sa labas ng kwarto ko. Binuksan ko 'yung pinto pero mukha ko lang 'yung pinakita ko.

"Erm, Brylant, can I ask you a favor?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Tumango siya. "Will you... will you... w-will you buy me a n-napkin?"

Waaaaa! Pakiramdam ko lulubog na ako dahil sa kahihiyan. Jusko. Lupa, kainin mo na ako please.

"N-napkin?" Nauutal na tanong ni Brylant habang nakatingin sa'kin. Napatungo ako. "O-oo. H-hindi kasi ako nakabili no'n. H-hindi ko naman alam na m-magkakaroon ako ngayon."

"S-sige. A-anong napkin? Modess? Carefree? Whisper?"

Shuta. Alam niya 'yun? "U-uhh. S-sis... sis... s-sisters."

"Sisters?"

"Waaaaa! Oo! Kapagwalangsisterskahitanobastalongtsakawithwings!" Parang rapper na sabi ko tapos dali-daling sinara 'yung pinto at napasandal dun.

Ginulo-gulo ko 'yung buhok ko dahil sa sobrang kahihiyan kay Brylant. Grabe. Parang kanina lang, galit ako sa kanya, tapos ngayon, humingi pa ako ng favor. Waaaa!

Plus! The fact na lalaki siya at babae ako. Siguradong hindi siya bumibili ng napkin pero nautusan ko pa siya. Waaaaa!

Makapag-status nga sa FB mamaya. O kaya GM nalang.

#ThisIsTheWorstDayEver
#SobrangKahihiyan
#AngMalasKoNgayongArawNaTo
#ShutanginamesNakakahiya
#LupaKaininMoNaAkoPlease
#GirlsProblem
#InutusanKoSiya

Hindi talaga ako makapaniwala. Nakita ni Brylant 'yung tagos ko tapos humingi pa ako ng favor sa kanya na bilhan ako ng napkin. Huhu.

Sana lang hindi 'to nakita ni Kyan.

Hindi tuloy ako makaupo dahil sa lecheng tagos na 'to. Kinuha ko 'yung cellphone ko at nag-Facebook habang hinihintay ko si Brylant.

May notification ako.

Brylant Soliven accepted your friend request. Write on Brylant's timeline.

Tiningnan ko 'yung profile ni Brylant at...

O____O

Shuta. May bago na akong idadagdag sa GM ko.

#ThisIsTheWorstDayEver
#SobrangKahihiyan
#AngMalasKoNgayongArawNaTo
#ShutanginamesNakakahiya
#LupaKaininMoNaAkoPlease
#GirlsProblem
#InutusanKoSiya
#YungProfilePicNiya
#BakitGanunYungTinginNiyaSakinSaProfilePicNiya
#OWEMGI

Tiningnan ko 'yung mga comment. Nagso-scroll ako nang may mahagip 'yung mata ko.

Evalyn Andrada Soliven

Nak, yan na ba yung girlfriend mo? Ipakilala mo naman siya samin pag may time ka :)

O____O

Living With My Ex And My Crush [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon