Chapter 8: Swimming

700 29 4
                                    

Bea's POV

Bumaba na ako at nakita ko si Brylant na nasa swimming pool na. Aba. Hindi man lang ako hinintay ng loko. Gano'n ba talaga ako katagal magbihis?

O____O

Oh my God. Naka-topless si Brylant. Kita na naman tuloy 'yung six pack abs niya. Emeged telege.

"Hoy! Brylant Jayden Andrada Soliven!" Sigaw ko. Napatingin siya sa'kin at nanlaki 'yung mata niya. Ngumisi ako. "Ano? Bakit nanlalaki 'yang mata mo?"

Tinanggal ko na 'yung cover up na suot ko, dahilan para makita 'yung swimsuit na suot ko. Gaya nang sinabi ni Brylant kanina, 'wag daw ako mag-suot ng masyadong revealing, nagsuot ako ng black one piece na swimsuit.

Confident naman ako dahil alam ko na maputi ako at hindi din naman ako mataba. So bakit ako mahihiya, 'di ba?

Nag-dive na ako sa swimming pool at lumangoy muna ng konti. Then inahon ko na 'yung ulo ko. Nakita ko na naman si Brylant na nakatitig sa'kin.

Lumapit ako sa kanya. "Bakit titig na titig ka na naman sa'kin? Amaze ka na naman, 'no? Ikaw Brylant ha. May lihim ka pa rin talagang pagtingin sa'kin. Aminin mo na kasi." Pang-aasar ko sa kanya.

"Oy wala ah. Baka ikaw 'yung may crush sa'kin? Ikaw Savannah ah, ikaw pala 'yung may lihim na pagtingin sa'kin. Umamin ka na, poging-pogi ka talaga sa'kin."

>____<

Sinampal ko siya ng mahina. "Hindi ka pa rin pala talaga nagbabago, Savannah. Mahilig ka pa ring manghampas."

*____*

"Pa'no mo naman nasabi 'yan? Hindi naman tayo nag-uusap 'di ba?" Tanong ko habang nakakunot 'yung noo ko. "Oo nga. Pero nakikita nga kasi kita."

Nagkatitigan na naman kami. Pababa ng pababa 'yung tingin niya hanggang sa makarating 'yun sa leeg ko. Kumunot 'yung noo niya.

"Saan galing 'yang kwintas mo?"

Napatingin ako sa kwintas na suot ko. "Ito? Natanggap ko 'to nung graduation namin nung grade 6. Sabi nung nagbigay, galing daw 'to kay BJAS. Kaso hindi ko naman kilala si BJAS."

"Bakit mo tinanggap?"

"Kasi sayang naman. Nakakapanghinayang din naman kasi." Tumango-tango siya. "Hmmmmmmmmmmmmmmmm."

Tinalikuran ko na siya at naglangoy na ulit. 55 square meters kasi 'tong pool. Langoy lang ako ng langoy hanggang sa mapagod na ako.

Umahon muna ako. "Ah!" Loko 'tong si Brylant ah. Basta-basta nalang sumsulpot. Nakahawak pa siya sa waist ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong trip mo? Tsaka bakit ka nakahawak sa bewang ko?" Tanong ko habang nakataas 'yung kilay.

Tinanggal niya 'yung hawak niya at ngumiti. Pero hindi normal 'yung ngiti niya. Parang may binabalak siyang masama sa ngi- "Ahhhhhhhh!"

"Hoyyyyyyyyy! Brylant Jayden Andrada Soliven!!!!!!!! Ibaba mo ako!!!!!!"

"Haha! Nope! Magaan ka lang naman at mas lalo ka pang gumaan dahil nasa tubig tayo." Natatawang sagot na naman niya. "Bakit ba gustong-gusto mo akong buhatin? Kanina ka pa ah."

"Anong gustong-gusto? Kanina lang naman kita binuhat. Pangalawang beses pa lang naman." Nagsalita ulit siya, "Pero 'wag kang mag-alala, bubuhatin pa kita sa mga susunod na araw. Buti magaan ka lang."

=____________________________________=

Tinulak ko siya kaya nabitawan niya ako at syempre, nahulog ako. Leche. Nasa dulo pa kami nang swimming pool. 7 ft 'to. Buti marunong akong lumangoy.

Living With My Ex And My Crush [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon