Bea POV
What the?! Anong... Paanong... Bakit... Kelan... Saan..?
"Seryoso ka?!" Pasigaw na tanong ko kay Kuya. Tumango siya. "Oo. Sila daw makakasama mo sa bahay."
"Walang iba? Kaming tatlo lang?" Tanong ko ulit. "Uh. Hindi ko alam 'yung tungkol diyan. 'Yun lang kasi 'yung sinabi ni Papa sa'kin."
"Bakit hindi mo pa sinabi sa'kin kahapon pagdating ko?"
"Kagabi lang sinabi sa'kin eh. Tulog ka na no'n." Sagot niya. Aaaahhhhhhhh! Bakit?! Bakit gano'n?!
Sa dinami-dami ng pwedeng makasama sa iisang bahay, bakit silang dalawa pa?!
Pa'no nalang ako makakakain sa bahay na 'yon?! Makakaligo?! Makakakanta?! Makakagalaw ng maayos?! Kung sila 'yung kasama ko?!
Magiging awkward dun eh. Asar. Pwede namang 'yung kapitbahay nalang namin na mukhang paa 'yung makasama ko dun.
Pero bakit silang dalawa pa?! Hindi ko kasi alam kung close ba o magkakilala silang dalawa. Pero sana, nag-uusap din sila.
Ayoko namang maging library 'yung buong bahay dahil sa sobrang tahimik. 'Yung tipong wala talagang nagsasalita.
Huhu. Pa'no ako makakapag-move on kung makakasama ko silang dalawa sa isang bahay? Baka lalo pa akong ma-fall sa kanilang dalawa.
"Huy,"
"Ano?!" Sigaw ko ulit kay Kuya. "Bakit nakasigaw ka na naman?"
"Naiinis ako eh. Bakit sa dinami-dami kasi ng pwedeng makasama, silang dalawa pa?! Ha, Kuya?! Sabihin mo sa'kin! Bakit?! Bakit?!"
Tiningnan niya ako ng masama. "Tumahimik ka nga, Bea. Mukha kang tanga diyan. 'Wag kang OA. Kahit anong emote gawin mo, hindi mo na mababago ang desisyon ni Papa."
Tama si Kuya. Once na 'yun na 'yung desisyon ni Papa, 'yun na 'yon. Hindi na namin mababago kahit anong gawin namin. Kailangan nalang naming sundin.
Napabuntong hininga ako. "Yeah right. Hindi ko nalang muna iisipin 'yan." Sagot ko.
"Hindi mo muna iisipin? Tapos mamaya sisigaw ka na naman diyan."
"'Wag mo ng dagdagan 'yung init ng ulo ko, Kuya. Baka masipa kita palabas dito."
"Kaya mo ba?" Psh. Malamang hindi. Ang laki-laki mong tao eh. Six footer.
Tumahimik nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Leshe. Hindi ko pa rin tanggap na titira ako kasama ang isang Tarsier at isang gwapong lalaki pero mas gwapo 'yung Tarsier.
Hays. Kyan Daniel Mendoza, I still love you.
O____O
What did my mind just say?! Nuuuuuuu! Inamin ng utak ko na mahal niya pa rin si Kyan.
Sabi kasi ng teacher namin nung grade 6 kami, hindi daw talaga sa puso nararamdaman ang love. May part sa utak mo na sinasabing mahal mo na siya pero hindi puso 'yon. Sa utak lang daw 'yon.
Minsan, nasasabi natin na, "Mahal ko na siya." Pero utak lang 'yon. Hindi puso. Minsan, kapag may kasamang iba 'yung mahal natin, nararamdaman natin na medyo kumikirot 'yung puso natin.
Pero once again, utak lang daw 'yon. Iniisip lang natin 'yon kaya 'yon nangyayari.
Depende nalang kung may heart attack ka. Syempre, parang sumisikip 'yung dibdib mo tsaka nahihirapan kang huminga.
Pero real talk, mahal ko pa rin talaga si Kyan. Aaminin ko na. Mahirap din kasing itago 'yung totoo. Kahit sa sarili mo, mahirap.
"Kuya, anong gagawin ko? In love pa rin ako kay Kyan." Wala sa sariling sabi ko habang nakatingin sa pagkain ko. Hayaan ng malaman ni Kuya.
BINABASA MO ANG
Living With My Ex And My Crush [Slow Update]
Ficção AdolescenteAnong gagawin mo kung kailangan mong tumira sa isang bahay kasama ang dalawang lalaki? Isang ex mo at isang lalaking gusto mo. Makakatulog ka ba ng maayos? Makakagalaw ka ba nang malaya sa bahay na titirahan mo? Pwede ka bang maging baliw sa harap n...