Chapter 7: Conversation

772 34 0
                                    

Bea's POV

Napatawa ako dahil sa kinuwento ni Brylant. Kanina pa kami magkasama dito sa may pool area pagkatapos nami-mali, pagkatapos niyang kumain ng apat na pancake.

Sa sobrang gutom niya, imbes na dalawa lang 'yung ipaluto, ginawang apat. Ngayon ko lang nalaman, SPG pala si Brylant. Pero may abs siya ha. Hindi na ako kumain dahil wala talaga akong gana.

"Savannah," Napatingin ako kay Brylant. Savannah din pala tawag niya sa'kin. Akala ko si Kyan lang 'yung tumatawag sa'kin ng Savannah.

Speaking of Kyan, umalis siya kanina. Ewan ko kung sa'n nagpunta. Mamayang pa daw 'yung balik niya. Baka may pasok.

"Bakit?"

"Si Kyan ba, totoong minahal mo?"

*____*

Bakit niya kaya natanong 'yan? "Oo. Nung grade 4 ako, 9 years old, doon ko nakilala si Kyan. He was my first love, to be honest."

"Kelan mo na-realized na mahal mo siya?"

"Grade 4 o grade 5. Kasi nung grade 6 ako, sinusubukan ko na siyang kalimutan no'n. Pero mahirap pala. Alam mo 'yun, Brylant? Ang daling mahulog sa isang tao pero sobrang hirap mag-move on. Imagine, mula 9 years old ako hanggang ngayon na 18 na ako, si Kyan pa rin?"

Ewan ko pero sobrang komportable ako kapag kasama ko si Brylant. 'Yung parang kaya kong sabihin sa kanya lahat ng tungkol sa'kin.

"Habang mahal mo si Kyan, may nagustuhan ka bang iba no'n?" Tanong niya ulit. Tumango ako. "Oo. Nung grade 5 ako, may naging ka-M.U. ako nun. Kaso sa sobrang tanga ko, tuwing dumadaan siya, Kyan 'yung paulit-ulit na sinasabi ko."

"Bakit Kyan palagi 'yung sinasabi mo tuwing dumadaan siya?"

"Kasi gusto ko siyang magselos. Sa totoo lang, pinagsisisihan ko 'yung ginawa kong 'yon. Kasi sayang eh, gusto niya ako, gusto ko siya, pero dahil sa'kin, dahil sa pagsasabi ko ng Kyan, ayan tuloy, nawala."

Alam kaya ni Brylant na siya 'yung sinasabi ko? Siya 'yung lalaking nagustuhan ko no'n at siya 'yung lalaking pinagseselos ko dati sa pamamagitan ng pagsasabi ng pangalan ni Kyan tuwing dadaan si Brylant.

"Ikaw naman, Brylant. May naging girlfriend ka na ba?" Tanong ko naman. Namula siya at nahihiyang kinamot 'yung ulo niya.

"Nakakahiya man dahil 20 na ako pero aaminin ko, wala pa akong nagiging girlfriend."

O_____O

Wala pa? Pareho sila ni Kuya. Kaso mas matanda ng tatlong taon si Kuya pero my God! Wala pa silang nagiging girlfriend. Gano'n ba talaga ako kalandi?

"Bakit?" Tanong ko ulit. "Kasi 'yung babaeng gusto ko ay may ibang gusto. Nagustuhan ko siya nung grade 7 ako. Kaso 'yun nga, nalaman ko na may iba pala siyang gusto."

"Kelan niya pa daw gusto 'yung lalaki?"

"Nag-transfer kasi siya sa Kim University nung grade 4 siya. Tapos nakilala niya 'yung lalaking 'yon nung grade 4 din siya."

"Anong grade 'yung lalaking gusto ng babaeng sinasabi mo nung nakilala mo siya?"

"Grade 8 'yung lalaki. Nung grade 4 kasi siya, wala pa ako sa Kim University. Nung grade 5 siya, dun ko siya nakilala."

"Anong itsura nung babae nung nakilala mo siya?" Tanong ko. "Nakasuot siya ng salamin. Medyo kulot din 'yung buhok niya tapos medyo chubby siya no'n at mahiyain. Tsaka never siyang nagsusuot ng maiiksing damit at sando. Puro t-shirt at pantalon lang siya. Balbon din siya pero maputi. Pero kahit gano'n 'yung ayos niya, maganda pa rin talaga siya."

Living With My Ex And My Crush [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon