Si Savannah Beatriz Yu ay isang 18 years old na dalaga at may isang ex boyfriend na sobra niyang minahal.
Kaso, ang lalaking sobrang minahal niya ay iniwan siya dahil... sawa na daw siya sa kanilang relasyon?
Si Kyan Daniel Mendoza naman, also known as Tarsier na ex ni Bea, 22 years old. Friendly, cute, pogi at may dimple sa kaniyang kaliwang pisngi na isa sa mga naging dahilan kung bakit siya nagustuhan ni Bea.
Si Brylant Jayden Soliven naman, o iyung lalaking crush ni Bea, 20 years old. Makulit, inosente, mahangin at... feelingero? Pakiramdam niya, lahat ng babae ay may gusto sa kaniya. At pati ang mga lalaki, hindi na pinalampas.
Sila Kyan at Bea ay anim na buwan nang hiwalay. Sinusubukang kalimutan ni Bea si Kyan ngunit palagi naman itong pinapaalala ng madadaldal niyang kaibigan na sila Francis Lucas Jacinto at Marsha Nicole Flores.
Paano kung kailangan nilang magsama-sama sa iisang bahay? Paano kung kailangan nilang tumira doon sa loob ng sampung buwan?
Mananatili kayang tahimik ang bahay lalo na't kasama ni Bea ang dalawang lalaking gusto niya? Na siya din namang nagkagusto kay Bea.
Paano kung ang isa sa kanila ay mahulog nang tuluyan? Sa tao man o sa hagdan. Kung sa tao, iyun ay dahil sa nararamdaman mo. Kung sa hagdan, pasensya, may lahi kang tanga.
Pero lahat naman tayo ay nahuhulog hindi ba? Pwedeng ang dahilan ay hindi na natin kayang pigilan ang nararamdaman natin o sadyang tanga, clumsy o hindi naman kaya'y aksidente lang.
Pero wala naman sigurong mahuhulog sa isang tao dahil clumsy siya, ano? Mahulog sa hagdan dahil clumsy, pwede pa.
Pero ang mahulog sa isang tao dahil clumsy ka? Hindi ba parang imposible naman yata iyon?
Balik tayo sa usapan, paano kung kailangan nilang magsama-sama sa isang bahay? Ano kaya ang mangyayari? Magkakaroon kaya ng katahimikan? O labanan?
Pero bakit naman kaya magkakaroon ng labanan? Labanan ng mga puso, pwede pa. Pero ang labanan na parang gera? Imposible.
_______________
A/N: Hi guys! Ito po yung pangalawa kong story. Please support po :) Thanks ulit kay Boydon_Jillianne for the book cover!
BINABASA MO ANG
Living With My Ex And My Crush [Slow Update]
Ficção AdolescenteAnong gagawin mo kung kailangan mong tumira sa isang bahay kasama ang dalawang lalaki? Isang ex mo at isang lalaking gusto mo. Makakatulog ka ba ng maayos? Makakagalaw ka ba nang malaya sa bahay na titirahan mo? Pwede ka bang maging baliw sa harap n...