Bea's POV
Tapos na kaming kumain ni Brylant ng barbeque. Apat 'yung kinain niya pero mas nauna pa siya sa'kin. Galing 'no?
Naglalakad-lakad nalang kami para... ewan. Basta naglalakad lang kami. "Brylant," Tawag ko sa kanya habang naglalakad pa rin kami. Ang alam ko, "Adams Park" yata ang pangalan nitong park.
"Yes babe?"
"Ano nang gagawin natin dito?" Tanong ko. "Maglalakad lang tayo. Mamayang 6:00 aalis na tayo dito. 5:30 palang naman kaya maglakad-lakad muna tayo."
"Uuwi na tayo?" Tanong ko ulit. "Nope. May pupuntahan pa tayo. Last na 'yon promise. Tsaka dun mo malalabas lahat nang sama ng loob mo." Sagot niya. Napatango-tango nalang ako.
Okay lang sa'kin kahit sa'n kami magpunta. Alam naman ni Brylant kung hanggang saan lang siya eh. Tsaka alam ko naman na hindi siya papayag na late na kami makauwi.
Bigla tuloy akong kinabahan nang bigla kong maalala 'yung tungkol sa school. Halos kakasimula palang ng school may absent na agad ako. Hayss. Sana 'di na 'to maulit.
"Sav," Narinig kong tawag ni Brylant sa'kin kaya napatingin ako sa kanya. "Ayaw mo ba akong tawaging babe?"
Pwede naman. Kaso sa isip ko lang.
"Erm, ano namang pumasok sa isip mo at tinanong mo 'yan?"
"Wala lang. Kasi babe tawag ko sa'yo at Brylant tawag mo sa'kin."
"Minsan Sav, minsan babe, minsan Sav babes." Ani ko. Awkward siyang ngumiti. "Para hindi ko makalimutan 'yung mga tinatawag ko sa'yo. Tsaka para walang gumaya."
=____=
"Ang dami-daming nagtatawagan na babe sa Mundo."
"Pero konti lang 'yung Sav babes." Aniya.
=____=
"Brylant, 'wag na. Kuntento na ako sa pangalan mo. Ikaw nalang bahala kung ano itatawag mo sa'kin."
Nag-pout siya. "Okay po. Nagsusungit ka na naman po. Alam mo, Sav, pag naging tayo, sure akong under ako sa'yo. Minsan nakakatakot ka, minsan mabait ka, minsan masungit ka, minsan naman ang sweet mo. Ano ba talaga, Sav?"
![](https://img.wattpad.com/cover/55107524-288-k981893.jpg)
BINABASA MO ANG
Living With My Ex And My Crush [Slow Update]
Teen FictionAnong gagawin mo kung kailangan mong tumira sa isang bahay kasama ang dalawang lalaki? Isang ex mo at isang lalaking gusto mo. Makakatulog ka ba ng maayos? Makakagalaw ka ba nang malaya sa bahay na titirahan mo? Pwede ka bang maging baliw sa harap n...